Dating - a social appointment or engagement. (dictionary.com)
Gusto ko din maexperience yung makitulog kina Pepe, kaya pumunta din ako sa Baras. Pero bago yun, pumunta muna ako kina Majie.
Pagbaba ko ng jeep, naglakad lakad muna ako. Hindi ko rin kase alam kung san eksakto yung bahay nila, pero malapit lang yun. Napagod ako kaya naupo muna sa lilim. Lumabas na sya sa kanto, nakita ko sya agad, pero biglang lingon ako palayo, at saktong pagkakatingin nya sa kin, saka ako bumawi ng lingon. Style nagulat ako, maski hindi. Hha.
May dala syang payong, buti naman kasi mainit na ang sikat ng araw nung hapon na yun. Naglalakad kami habang pinapayungan nya ako. Ambango nya, bagong paligo eh. Nagtitinginan yung mga tao.Wahha. Tapos yung isang bata nagsalita:
"boyprend mu?"
sabay kami sumagot oo at hindi. Hha. Kung sinu yung umoo at umindi, hulaan nyu.Hha
Enjoy ko yung paglalakad kasi naguusap kami habang naglalakad. Mapapalampas pa nga ako, ng lumiko na sya. Dito na daw. Syempre nahihiya epek muna. Bahay na nila yun. Narinig ko kaagad tumutugtog ang plaka ng G. Festival. Naupo na ako, nag 'Hi' sa lahat maski hndi ko pa kilala. Mukhang mabaet naman ang mga tao dun, lalu na yung nanay at lola nya, mabait nga. Wala dun yun kuya nya, pero mas gusto ko sana na andun yun, para na rin maging tropa ko.
Tahimik lang yun nanay nya, pero lam ko na pasimpleng nagmamatyag. Yun lola naman nya ang magaling mag interbyu, hha. Buti na lang magaling ako sumagot.
Bale ang scene, sa may terrace nila, may lamesa na maliit tapos may upuan. Dun kami. Sa ibabaw ng mesa may mga papel, libro at kung anu anu pa. May sounds na makalokohan na tumutugtog.
Tapos pinameryenda na nya ako(cake at juice). Kain kami. Kahit medyo busog pa ako, syempre hindi naman ako tumatanggi sa mga pagkaen. Napakatamis nya magtimpla ng juice! Hha. Kwentuhan pa. Tanong tanong, sagot sagot. Iba talaga pag harapan na magkausap.
Si Rhea daw ay di makapaniwala na nandun ako, pinapunta na lang din nya. Ayun na yung pagkakataon na nagkakaroon na ng 'dead air' hha. Kaya napag pasyahan na lang na i tour ako sa lugar na yun.
Pinakita sa akin yung shop na pinag i iNET an nila, mukang malamig,(yun ay kung may aircon), saradong sarado kasi at di mu aakalaing isang shop.
Tapos punta na kami sa Baras Elementary School. Malawak yung school na yun. Buti at bukas, may mga bata na dun sa may kubo kaya, dun kami sa iba. Naupo na kami dun sa may sementong bench with square na mesa, malapit dun sa may bakal na sphere. At dun na sinimulan ang kwentuhan. Dun nakakapag ingay na kami, wala ng 'dead air'. Question and Answer pa nga ang naganap. Magtatanong sila, sasagot ako, at magtatanong naman ako, sila naman ang sasagot. Dahil dun madami akong natutunan at natuklasan. Hha. At sila din siguro.
Nakapag halukayan ng kanya kanyang kasaysayan,at kung anu anu pa.
Kapag naeenjoy mu talaga,ambilis lumilipas ng oras. Andilim na nun, tapos nagtext na sa akin si Lenard, kakain na daw, kaya ako na din ang nagyaya.
Lakad kami papalabas, hinahanap ko yung gate na pinasukan namin, kaya pala di ko makita, sarado na kasi. Over d bakod na daw.Hha. Game ako, pero may isang daan pa naman. Ikot kami, dun kami sa isang gate lumabas.
Hinatid pa nila ako. Kahit di ko na alam ang dinadaanan namin, sige nagtiwala na lang ako, at ayun, shortcut way nga. Sabay sabay kami tumawid, konting lakad pa, hanggang dito nalang. Ok na yun, kase tanaw ko na naman yung 2 na daan papunta kina Pepe, madilim na, GG na.Hha.
Hindi ako nakapag pic masyado, wala din kase ako sa mud magpic ng magpic nun. Hha. Pero pinagsisisihan ko, hamuxa na, may next time pa naman ito. Hha.
Sa tingin ko, nag up one level ang closeness namin hha. Till next time.