"simpleng ligaya para sa mga simpleng nilalang."
Walang kasawaan
At muli na naman akong mamemyesta, konting pag gawa sa bahay lang para makalayas. Buti na lang madami akong pera sa bahay, (epekto ng di pagdodota). Kahit di ako nanghingi ng panggastos at di nakapagpaalam, maluwag pa rin akong nakaalis sa aming tahanan. Di na rin kasi ako pinipilit na paglabahin.
Mag-11am na nang umalis ako sa amin. Maayos naman ang aking byahe. High way ng baras dumaan, di ko pa naman memorize kung dito. Alam nyo naman na wala talaga akong skills sa travelling. Lol. Naalala ko yung "D' One", nung makita ko yun bumaba na ako.
Tanghali na yun. Tutok na tutok na ang araw nun. Tinahak ko na ang liblib na daan kina Pepe, na nababalot ng napakaraming misteryo, hiwaga at kwentong kababalaghan.
[img ng daan]
[img ng paglalakad]
Angeles Mansion
Sa wakas, nakarating din ako. Natapos na din ang napakahabang paglalakad. Ang pagod ay pinawi ng very hospitable na pagtanggap ng Angeles Family. Napakaraming pagkain, kaya nabusog agad ako, gutom na kasi ako nun, sobra.
Nandun sina Teejay, Jeymart, Patrick, Michael, at Lenard. Wala man yung ibang inakala kong nandon, ok lang. Malayo ang mansyon nila Pepe sa bayan, kaya siguro hindi na nagkayayaan na mag gala pa papuntang bayan.
May nakasalang naman na Dvd ng CodeGeass, but later pinapaltan ko ng Twilight, pero di rin pinanuod ng husto, di ko rin kase masyadong interes na mapanuod un, for experience lang. May nakabukas na laptop, na kung saan, pwedeng pwede ka mag AutoCAD, Photoshop, VBA, at kumuha ng pix gamit ang webcam. Sayang nga lang walang internet. Napagkalibangan din namin ang paglalaro sa koleksyon ni Pepe ng mga Yu-Gi-Oh! Duel Monster Cards. Napakadami nun. Kahit bawat isa sa amin ay pwede makabuo ng kanya kanyang deck. Nun lang pala natuto si Teejay mag YuGiOh. Naglaban laban kami. Walang kamatayang kwentuhan. Kain, kain. Pasounds ng 200+ songs na naiburn ko. Nag Moymoy Palaboy na din sa harap ng webcam. Piktyur ng madami. Edit edit. Kain ulit. Kulitan. Kain. Pakasaya.
[img ng mga nag yu YuGiOh!]
[imgs na kuha ng webcam]
[stolen shots]
Duel Over
"ilo, mag uwi ka ng ulam, antayin namin yon"
ewan ko lang kung yan nga yung eksaktong text ng nanay ni michael, basta ganyan yun. Hehehe. Mag se 7 pm na kasi, nagkayayaan na din magkauwian. Kung pwede nga lang, ayaw ko na umuwi, kaso may pasok at mapapagalitan ako. Pag andun ka kasi kina Pepe, di mo mafifeel na nasa ibang bahay ka, (sa akin ganun, dahil ata sa tiles na flooring. Hahah) feel at home ka talaga. Kaya ayun ipinagbalot na nga kami, ayos din. Salamat.
Madilim na, katakot maglakad. Napagtripan pa na dun dumaan sa nakakatakot at nakakakilabot na sobrang dilim na daan na nababalot ng kwento ng mga taong nawawala at naliligaw na natatagpuan na lang sa umaga. Well, thrill seekers ang mga loko, edi go kami. Akala namin, mangyayari ang mga yun. Pero hindi. May maganda pang nangyare. Eto oh.
[img ng magandang nangyari]
Swerte naman namin at nasaksihan yun. Kakaibang experience na naman. Diretso uwi na. Tulog. Kinabukasan nasermonan. Pero ok lang. Alam ko naman na wala ako/kaming ginawang masama, nagpakasaya lang kasama ang mga kaibigan, pinatibay pa ang samahan. Anong masama dun?
Next Pyesta, Morong.