"maaari bang humiram, isang gabi sa iyong tagiliran...."
Starter
Malapit na mag 4pm yun. Tinext ako ni King gamit ang mjoy. Pumunta na daw ako. Eksakto namang paligo na ako at naghahanap na lang ng isusuot. Naihanda ko na ang lahat. Wala si papa at mama nun eh, umalis na ako, di nakapagpaalam (paktay ako nito), wala ding nahingi na pera.
First Encounter
Buti na lang at may pera talaga ako pag ganitong mga lakaran. Pagbaba ko ng jeep, nakita ko kaagad si Euvy, may naalala ako. "Euvy Happy birthday!" sigaw ko. "Tara sa amin." tugon nya. "ah eh.." pag iwas ko. Di naman sa ayaw ko. Di naman kasi yun talaga ang pakay ko. Muli ko nanamang nakita yung daan na yun papunta kina King. May nakalagay na ngayong, bawal dumaan. Dati naman ay wala nun. Napansin ko si Hannah na busyng busy sa pagsecellphone. "Hannah, padaan po." bati ko. Ngiti lamang ang naitugon nya. Hindi pa rin sya nagbabago, mahiyain pa rin, siguro ganun nga lang sya pagdating sa akin. Heheh.
Place Upheaval
Diretso na ako kina King, nagpupunas na ng sapatos sa pamahiran nila, maputik kasi. Mahina akong tumawag ng "King!??" nang biglang "Nakina Bicoy sila." tatay pala nya. "ah salamat po.". Tumungo na ako kina Oyo (Bicoy) at ayun nga sila. Nakita ko kaagad sa tapat ng bahay nina Oyo at Charlene (magkaharap bahay kasi sila) ang mga kaklase ko. Bihis na din silang lahat, at ready to go na. Maliban lang kay Oyo. Ganun naman sya lagi eh. Kada may usapan na lakad, lagi mong maaabutan na di pa paligo. "Oy tara muna kiNa Euvy." di ko alam kung sino ang nagyaya. Syempre bilang mga kaklase nya. Pumunta na nga kame at kumain na din, pero konti lang. May kainan pa kasing kasunod.
At The Airport
At ready na, napagpasyahan na namin na sumakay sa owner type jeep na kilala ni King ang driver. Nagpapatagal lamang sa pag alis namin ang di pagkakasundo sa kung magkano ang ibabayad. "Bente po kuya ano?". "Ay luge naman ako nyan. Trenta na.". "25 na lang." Wala ng salisalita, umandar na ang owner at tumungo muna sa Petron para magpagas. Abutan na syempre ng pamasahe. Buo pera ko kayat nagpabayad muna ako kay Jam ng bente. Heheh. Oo bente lang ang balak kong ibayad at keri lang. Patay malisya.
The Take Off
And so the owner took flight. Open yung owner (walang bubong.) nangangamba kami, pano na pag umulan. Pero naenjoy namin yun dahil para kaming nasa mOtorcade habang sinasagasa ng aming mga mukha ang malamig na pagtama ng hangin at ilang piraso ng malilit na bato sa pagtayo namin sa sasakyan. Masarap, masaya kahit na maginaw. Isinakay na din sina Clarissa at Glenn (pinick up sa Bayugo. Lumampas pa nga eh.). Medyo umambon. Napagod din sa pagtayo at sa sobrang ginaw umayos na kami ng upo. (kahit imposibleng matawag na maayos na upo. Siksikan gawa ni Glen ah) .
Arrivals
Eto na at Bagumbong na. Nasilayan ko na naman ang Bagumbong Elementary School na natatambayan ko nung elementary pa lang ako dahil minsan ay dito ginaganap ang mga district contest nun, panlaban eh. Heheh.
Swing Swing
Nag aya si Aron na bumaba na daw kami. Ok lang sa amin. Bumaba na kaming tatlo. (Aron, King at aKo) Sabi ni Aron kina LJ daw muna kami, dun na makapagbihis. Ok. Pumunta kami. Lakad ng onte at ayun na. "LJ!!..Ljayy!" walang tumutugon. Napagdesisyunan na lang na kina Lucky na lang daw. "Tao po.?". "Ano yun?". "si Lucky po?". "ay wala, nasa gala siguro". "di po ba sasama yun?". "hay nako, nahihiya daw, ayun nagpapapalit."
Camaraderie
Paktay. Napasama pa ata ang desisyon namin. Sinisisi na ni King si Aron. At si Aron naman todo tanggol din. Heheh. Pero bwenas. Ayun si papa LJ. Nakamotor. Diretso na kami sa kanila. Di pa sya paligo mga 6pm na yata yun. Konteng kwentuhan at jamingan. Konteng kaen. Nakiplantsa. Bihis. Pabango. Pawax. At yun ready na kami. Katuwa ang mga suot. Si Aron naka Amerikana, Wow! Si King, Ely Buendia daw ang porma, si LJ parang Saksi lang. Ako mukhang detective. Katuwa kami ni king. NakaCHUCK at nakaMaong. Malay ko ba na pormal pala. Kala ko semi lang. XL pa yung damit ko....
Moment of Truth
Konteng lakad. Pero malayu layu rin nakina Julie na kami. Medyo madaming tao. Nakakahiya ang mga itsura namin. Hahah. Pero wapakels. Nagsimula na ang mga seremonyas. Kutilyon. 18 roses. 18 gifts. 18 ballons. 18 candles. At 18 wines. O diba bongga andame. Heheh. Grabe. Napakaganda talaga ni Julie. Ganap na ganap na nga ang kanyang kadalagahan. Kitang kita naman sa hubog ng kanyang sexy na katawan sa kanyang pUting gown. Natapos na ang madamdaming mga seremonyas. Di mo mabibilang kung ilang "Julie Happy birthday" ang narinig ko. At yung "wag ka munang mag boboyfriend ha", "tapusin ang pag aaral.".HaAyy.
Hey now. Secret Song
Abutan ng give away, tapos kainan na. Edi Lamon ang mga shutay shutom. Sige buffet. Walang pigil pigil. Piktyur piktyur ng onte. Tapos yun. Nag paalam muna kame na magbibihis lang.
The Notion
Bumalik na kami. Sayawan. YooHoo! Party time! R0ck r0ckan. Heheh. Pero nagkakahiyaan. Buti nalang mer0ng hindi nahihiya at the same time di napapagod na tao dun. Katuwa lang. Di mo mapatayo sila, malamang di lang type ang mga pasounds. Hmmm.
The Show
Naisipan nila na gumawa naman ng kalokohan. Lumande na naman si Kenneth nun. Hahah. Reenactment daw nung mga seremonyas at sya ang debutante. 98 birthday daw. Ayun may mga wishes at r0ses din. Astig nga eh natutuwa din yung mga pinsan at kamag anak nina Julie sa palabas na yun.
The Game
Since hawak ni Kenneth ang mic nun, which is anggaling talaga nya mag entertain na para bang nasa tv show kami nun. Then nilapitan ko sya at binulungan ko ng "Kenneth laro tayo, Hephep HURAY katuwaan lang.". AyoN nagsimula na nga ang laro. Laru laru lang. At yung mga alpha kapal muks lang ang mga tumayo. Syempre nag try din ako. Heheh. Just for fun. At biglang nag abot ng P200 ang tito ata ni Julie o pinsan ewan. Hahah. Wow may pa prize. Lalong naging exciting. Ang kaninang k0nteng manlalaro ay biglang dumami.
Fortune
Masaya talaga. Madaya si Kenneth pag napagtripan ka nyang puruhin matatanggal ka talaga. Heheh. At ang nagwagi ay si Jessa! Yey may P200. Balik ulit sa sayawan. Nagulat ang lahat dahil naglabas pa ng P500 ung TFC natin kanina. Wow. Mayaman. So nasundan pa ng mga palaro. Trip to Jerusalem, boy-girl kandungan version. Partner ko si Jinelle. Nadale kame kay Glen, luge sa box out. At ang nanalo. Dante at Cathy. Wow P200 ulit. Next and last game. Paper dance. Mahirap dahil maputik dun. Pero for the sake of P200 go. Ayaw ni Jinelle, nag inartz maputek daw eh. Kaya si Charlene ang nakuha kong partner. Di ko nga kaya yung buhaten. Ako pa binubuhat nya. Pero talo ulet. Panalo, LJ at Cathy(ulet?). P150 each yata. Sayawan na ulit.
What Are You Waiting For
Sayawan. Ang iba nagvivideo oke. Ang iba nagbabalak nang matulog. Yung iba nagaaya ng uminom. Pinigil ang pagvivideoke namin. Tara daw. Inumang natuloy din. Parang ayaw kasi nila. Shot. Pangalawang shot. "excuse. Iihi lang ." sabay takbo. Hehehe. Yoko nga magpakalasing.
Tonight
Nakita ko sina Julie. May dalang cake. Matutulog na ata. Sumama ako. Pwede. Heheh. Ayun kaen ng onte ng cake. Tapos akyat na sa kwarto. "Ian dyan kayo sa kabilang kwarto." "ahh. Eh. Sige" sabay higa ko. Bale 3 pa lang kami nun. Ako, si Julie, at Clarissa. Kasama dapat namin si Kenneth eh tata3 daw muna sya. Ayaw nya naman dun na magbawas dahil takot daw sya pag maraming lumang salamin. "ay Ian, dito ka muna, nakakaawa ka eh." "talaga? May awa ka pala" "oo naman." at ayun na nga nag ayos ng higaan at humiga na kami. Inalok pa ako ni Julie sa loob ng kumot.
Struck With a Lightning
Bale gitna sya. Ako sa bandang kaliwa. Ang sexy ng suot ni julie nun. Pantulog talaga. Kahit malamig ay nagsuot pa din sya ng ganun. Ako nga eh nakapantalon na giniginaw pa samantalang sya naka mini pero gusto pang bukas ang bintana.
The Plan
Di ako makatulog. Di ako tumitingin. Pero nagtaklob na ako at nagpanggap na tulog. Naramdaman ko kasi na may parating. Sina Aron na yun. Pumasok sa kwarto. Tinanggal ang taklob ko na kumot pero umalis din sa pagaakalang tulog na ako. Ginawa ko yun dahil maaaring palipatin ako sa kabilang kwarto. Eh ayaw ko. Hehehe.
Temptation
Nung naramdaman ko ng tulog ang mga katabi ko at yun nasa kabila. Di ako mapakale. Dahil kung iisipin mo, lalaki ka tapos mabigyan ka ng chance tumabi pagtulog sa isang napakagandang dalaga. Heheh. Ayun pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Julie habang sya ay natutulog. Lumilikot na ang aking mga kamay....
(itutuloy...Heheh)
January 4, 2009
Bagumbong New Adventures (unfinished)
10:29 PM
e11egarden
No comments
0 reactions:
Post a Comment
post your comment here! Thank you!