February 28, 2009

Hairstyle haircut

Minsan nakakabuwisit na talaga ang mahabang buhok. Pero gusto ko talaga yung hairstyle na bumabagay sa long sleeve na puti, yung parang sa anime.

Nandun yung pakiramdam na ang sama na pala. Di na gumagana ang wax. Hha. Kaso konting months na lang eh, makukuha ko din yung ganung porma. Pero, kailangan na talaga siguro magpagupit.

Bakit kaya kapag nakaupo na ako sa malambot at mataas na upuan na yon, may naka cover na madulas na tela sa katawan, nakaharap sa malaking salamin, parang napakagwapo ko. O nagkakasundo lang magsinungaling ang mata at buhok ko, para lang wag na ako magpatabas. Pero nandito na ee. Game na.

Kahit kelan talaga walang magaling na barbero. Yung tipong kuhang kuha yung gusto mo. Nasasabi na lang natin na, "sige, pwede na yan" kahit sa loob loob natin, hindi naman kasi pwede na i UNdo o Ctrl+Z ang mga nagupit na na buhok.

Pero pasalamat pa din ako sa nag gugupit sa akin. Libre kase ako sa kanya. Minsan si Tatay ko, o kaya si Tita Lorna.

Pag si papa ko ang nag gugupit sa akin, bumabata ako, naalala ko yung gupit ko nung Grade V. Hha.

Bakit pa kaya kelangan natin magpagupit? Siguro dahil sa tingin natin eto yung magpapapogi este magpapataas ng self esteem natin sa pakikisalamuha sa iba.

Sa akin lang, mas ok pa yung buhok ko pag bago akong gising kesa bagong paligo. Hha.

February 23, 2009

Di ko maisip ang pwedeng title

Dating - a social appointment or engagement. (dictionary.com)

Gusto ko din maexperience yung makitulog kina Pepe, kaya pumunta din ako sa Baras. Pero bago yun, pumunta muna ako kina Majie.

Pagbaba ko ng jeep, naglakad lakad muna ako. Hindi ko rin kase alam kung san eksakto yung bahay nila, pero malapit lang yun. Napagod ako kaya naupo muna sa lilim. Lumabas na sya sa kanto, nakita ko sya agad, pero biglang lingon ako palayo, at saktong pagkakatingin nya sa kin, saka ako bumawi ng lingon. Style nagulat ako, maski hindi. Hha.

May dala syang payong, buti naman kasi mainit na ang sikat ng araw nung hapon na yun. Naglalakad kami habang pinapayungan nya ako. Ambango nya, bagong paligo eh. Nagtitinginan yung mga tao.Wahha. Tapos yung isang bata nagsalita:
"boyprend mu?"
sabay kami sumagot oo at hindi. Hha. Kung sinu yung umoo at umindi, hulaan nyu.Hha

Enjoy ko yung paglalakad kasi naguusap kami habang naglalakad. Mapapalampas pa nga ako, ng lumiko na sya. Dito na daw. Syempre nahihiya epek muna. Bahay na nila yun. Narinig ko kaagad tumutugtog ang plaka ng G. Festival. Naupo na ako, nag 'Hi' sa lahat maski hndi ko pa kilala. Mukhang mabaet naman ang mga tao dun, lalu na yung nanay at lola nya, mabait nga. Wala dun yun kuya nya, pero mas gusto ko sana na andun yun, para na rin maging tropa ko.

Tahimik lang yun nanay nya, pero lam ko na pasimpleng nagmamatyag. Yun lola naman nya ang magaling mag interbyu, hha. Buti na lang magaling ako sumagot.

Bale ang scene, sa may terrace nila, may lamesa na maliit tapos may upuan. Dun kami. Sa ibabaw ng mesa may mga papel, libro at kung anu anu pa. May sounds na makalokohan na tumutugtog.

Tapos pinameryenda na nya ako(cake at juice). Kain kami. Kahit medyo busog pa ako, syempre hindi naman ako tumatanggi sa mga pagkaen. Napakatamis nya magtimpla ng juice! Hha. Kwentuhan pa. Tanong tanong, sagot sagot. Iba talaga pag harapan na magkausap.

Si Rhea daw ay di makapaniwala na nandun ako, pinapunta na lang din nya. Ayun na yung pagkakataon na nagkakaroon na ng 'dead air' hha. Kaya napag pasyahan na lang na i tour ako sa lugar na yun.

Pinakita sa akin yung shop na pinag i iNET an nila, mukang malamig,(yun ay kung may aircon), saradong sarado kasi at di mu aakalaing isang shop.

Tapos punta na kami sa Baras Elementary School. Malawak yung school na yun. Buti at bukas, may mga bata na dun sa may kubo kaya, dun kami sa iba. Naupo na kami dun sa may sementong bench with square na mesa, malapit dun sa may bakal na sphere. At dun na sinimulan ang kwentuhan. Dun nakakapag ingay na kami, wala ng 'dead air'. Question and Answer pa nga ang naganap. Magtatanong sila, sasagot ako, at magtatanong naman ako, sila naman ang sasagot. Dahil dun madami akong natutunan at natuklasan. Hha. At sila din siguro.

Nakapag halukayan ng kanya kanyang kasaysayan,at kung anu anu pa.

Kapag naeenjoy mu talaga,ambilis lumilipas ng oras. Andilim na nun, tapos nagtext na sa akin si Lenard, kakain na daw, kaya ako na din ang nagyaya.

Lakad kami papalabas, hinahanap ko yung gate na pinasukan namin, kaya pala di ko makita, sarado na kasi. Over d bakod na daw.Hha. Game ako, pero may isang daan pa naman. Ikot kami, dun kami sa isang gate lumabas.

Hinatid pa nila ako. Kahit di ko na alam ang dinadaanan namin, sige nagtiwala na lang ako, at ayun, shortcut way nga. Sabay sabay kami tumawid, konting lakad pa, hanggang dito nalang. Ok na yun, kase tanaw ko na naman yung 2 na daan papunta kina Pepe, madilim na, GG na.Hha.

Hindi ako nakapag pic masyado, wala din kase ako sa mud magpic ng magpic nun. Hha. Pero pinagsisisihan ko, hamuxa na, may next time pa naman ito. Hha.

Sa tingin ko, nag up one level ang closeness namin hha. Till next time.

February 14, 2009

Just Another Valentine Post

Teka patugtugin ko lang yung song na "14" by Silent Sanctuary..... (violin plays...)


Kahapon
Naaalala ko pa nung February 14, 2008. Sa school namen, after class, sama sama ulet ang tropa, naghubad kaagad ng polo, ipinakita ang pulang tshirt ng lahat. All red kami. Diba uso pa nun ang tinatawag nga nila na "BLACK VALENTIE", pero red pa din kami. Nagtitinginan ang mga estudyanteng nakakalat sa daan. Sikat kamee!! LOL.

Pagkatapos ng show off (pagpapasikat.xD), diretso sa labas. Its time for, DOTA. Oo nagdota kami, sa shop namin naicelebrate ang walang kwentang araw na yun.

Ngayon

Sabado kasi ee. Walang pasok. Boring naman kung sa bahay ka lang. Wala din namang kadate.

Natripan na mag gawa na lang daw ng plano para sa Taxation Project Proposal, at mag aral ng Lesson : Integration of Partial Fraction (Integral Calculus), para sa reporting.

Maaga ako naka alis sa bahay. Wala pang 8am ay nakapaligo na ako. Aalis kase sina Mama at Papa, dadalhin si baby para ipacheck up, kaya sumabay na ako.

"Anak, ano ba naman yang buhok mo, mag suklay ka nga."
"Ma, style yan."
"May date ka ba?"
"wala."

Libre pamasahe, kase sa car namin ako sumakay (este tricycle) .

Unti unti na ding naipon ang tropa dun kina Pepe. Ayos talaga ang family nila, very accomodating, at hospitable. Syempre pameryenda agad, patanghalian, meryenda ulet, hapunan naman.

Busog sarap. Masaya na naman. Pero ang plano, walang nagawa. Distraction talaga ang Laptop na may YuGiOh! , mga forbidden mangas, at photoshop. Pati na rin ang mga card decks ni Pepe.

Iba talaga pag napapagusapan nyo ang kahit na ano. Nakakagaan ng loob.

May date dapat ako. MOA daw. Kaso di ko pa sya ganun ka(alam mu na) para irisk ang, Pamasahe, Oras, Kaligtasan at Pagod ko ee. Dahil na din, di ko pa sya ganun kakilala. :D


Tapos...?

Kakaibang Valentines.

-wala akong nakasalamuha na babae, (except mama, baby, pepe's mom & ate, my tita).
-syete lang nagastos ko. (7php, libre pamasahe. Tnx to my tita)
-di ako nagpaload. Kahit dami bumabati, wala kaseng napagpaloadan.
-di ako nakapula. (purple valentine.xD)
-di ko nabati ang babaeng pinakamamahal ko,(wala na din akong balak).
-simple lang. Pero, masaya, kahit papano.

Sulit
Nahiram ko yung mga installers, nakagala, nakalibre ng masarap na meryenda at meals. Madami pa ako nadiskubre.

Ikaw
sana naging masaya ka ngayon. Simpleng araw lang naman. Para sa mga walang kasintahan.XD

February 11, 2009

Lowie : Ang Muling Pagsama

We miss you.

February 11, 2009. Markahan nyo na sa kalendaryo natin yan. Walang exam nun sa Humanities, wala ding kLase sa Taxation (na dapat may exam). Dapat magdiwang.

Bukas may report pa yata sa Integral Calculus (paktay tayo, sana wala ), di na naasikasong Project Proposal, pero ayos lang, para makalimutan ang problema: "TAYO AY MAGDOTA!!"

Ibang iba ang araw na ito sa mga nakalipas na araw ng aming buhay DotAboy. Muling nagbalik ang aming long long legendary player. Ewan ko lang, pero isang taon na yata syang hindi nakidota sa amin. Walang iba kundi si :

LOWIE

(palakpakan! 3x then fade)


di ko alam kung bakit, anong dahilan, napilitan? Pero hindi rin, kung ayaw nya, ayaw nya. Basta ang importante, masaya ako, at ang lahat.

Sana maulit muli. Laro ulit tayo. Kakampi ulit kita. Tagal mu lang siguro di nakalaro, pero okey din ang performance mo. Till next banatan..... ^_^v


INEDIT: natuloy ang reporting, at mukhang maganda naman ang naging resulta. Kasama na ulit namin si Lowie sa shop. Kahit di sya lumalaro, andun naman sya. Ok na un.

February 10, 2009

Dear Klasmeyt : Romielle

papa omel

Dear Klasmeyt Romielle,

Wee. Ikaw naman papa Omel. Kamusta na boy? Ang pagcocompose, ang pagdodota, ang pag aaral, ang panchichix? Well, di mo naman talaga kelangan sagutin isa isa yan. Kelangan ko lang talaga mag lagay ng intro. (turo nung elementary sa pag gawa ng liham.XD)

Pano nga ba nagsimula ang lahat? Napasama ako sa piling nyo dahil kay Remar. Nagsimula ang lahat sa pagsama ko sa TIMEX, ayaw mo pa nga makiDOTA nun eh, gusto mo lang NBA. Hahah.

Masaya kasi kayo kasama. Naging tropahan na agad tayo. And the rest was history....

Naging magaan ang loob ko sa yo, dahil siguro sa kanta ni JACOB, alam natin parehas, at dedicated pa sa taong, alam mu na. Ang pagkakaiba nga lang, gwapo ka, di ka dapat nagkaganon, hahaha.

Astig ikaw pumorma, ( syempre gwapo, kahit anong style bagay. ), band boy pa. Mr. Scientist pa nga daw, haha. Gustung gusto ko kasi na makihalubilo sa mga magagaling mag aral na mga tao, ewan ko lang kung bakit. Hahaha.

Sa mga usapang 1on1 naten, minsan parang ang galing ko magsalita noh? Pero deep inside, panggap lang yun. Ako din kasi kelangan ng mga ganung encouragements.

Sa ugali mo naman, wala naman akong kinayayamutan sayo, kase kung yabang lang eh, walang umeepekto na mga ganun sa akin. Ay.. Meron pala, yung minsang di mo alam na nakakasakit yung pananalita mo, pag nahahaluan na ng pambabastos, lalo na sa mga pinapahalagahan ko. Okey lang sa akin ang mga ganong topic, pero wag ganong subject. Hope nagets mu boi.

Gusto ko lagi ka kasama, kase napapagusapan natin ang kahit ano. Haha. Ayos. Okey na din kagrupo ka, kase minsan ang sipag mo at responsable pa.

Salamat papa sa mga tips, sa mga discussions, sa pagpapakaen, sa pagpapatuloy, sa fileshare, sa lahat. Masaya akong may papa Omel na nakilala si Ian. Hahah. Kahit minsan napagtritripan kita, ng slight. Bahagi yun ng paglaki. Heheh.


<:)))))><

Dear Klasmeyt : Jonathan

athan

Dear Klasmeyt Jonathan,

Wahaha. Asa pa ba ako na mababasa mo ito? Malay naten. Heheh.

Di ko na maalala. Basta bigla ka na lang sumulpot sa klase namin at naging tanyag sa pagiging si Kuya Obien na matalino. (older knows more,heheh)

Hangang hanga ako sayo nun, kaso nung nalaman ko na T.I.P. transferee ka, na ewan ko kung bakit nagtransfer ka, hanga pa din ako, kase matalino ka sa mga computations tulad sa math. Pati sa bible madami ka din alam. Pero ngayon, meron pa din yung pag hanga na yun boy, kase kayang kaya mong imanage at idisiplina sarili mo, na hindi ko magawagawa sa sarili ko, hahay.

Salamat nga pala kase napasok ako sa pagcecell group nyo dahil sa pamimilit mo. Kaso nga lang, di ako regular, mas gusto ko kase sa piling ni Lowie eh, at tsaka may iba pang mga dahilan, heheh.

Minsan okey ka na kausap, pero tulad din ni Lowie, may pagkakataon din na nayayamot ako sa mga lumalabas sa bibig mo. Pero wala lang yun. Heheh.

Di pa rin kita maintindihan at wala na akong balak na intindihin ka pa. Haha.

Salamat sa ibang kaalaman, pagbibigay ng sides, advice. Salamat sa astig na colorful medyas, kahit delayed ng bigay.

Masaya akong naging kaklase ka namen at nakilala kita.

<:)))))><

February 9, 2009

Dear Klasmeyt : Raymond

raymond

Dear Klasmeyt Raymond,

Boy, musta? Naaalala mo pa? Billiard boys ka. Di ka namen tropa. Sipagin ka kase mag aral. Pero ngayon dotaBoys ka na din.

Nadaan mo sa araw araw na pagsama sa amin. Pagextra pag may kulang. Lagi ka kase dati maaga umuwi.

Ayos ka kasama, kase masaya pag bumabanat ka ng pasimple. Natotoggle talaga humor glands ko.

Sorry kung minsan ikaw ay natritripan kong pagtripan. Parte yun ng paglaki. Heheh.

Alam mo, ayaw kita kakampi sa Dota, kase ayaw ko matalo,heheh. Pero konting laro pa, makakasabay ka na talaga. Makinig ka lang kasi sa mga pro na nagtuturo sayo, tandaan mo mas magaling sila sayo.

Di ko makakalimutan yung teknik mo na papel trix na naging bentsingko, bilang substitute sa Alt. Hehehe.

Salamat sa pakikipagbrainstorm minsan, nakakarefresh ng utak. Salamat sa lahat lahat. Masaya akong may DoraymOnd maCatUla akoNg nakilala.

<:)))))><

Dear Klasmeyt : Lowie

lowie

Dear Klasmeyt Lowie,

Boy kamusta ka na? Sure ako na palage ka namang okey.
Naaalala mo pa ba yung una nating pagkakakilala? Walang pormal na introduksyon diba? Nagsimula ang lahat nung maganap ang unang pagdodota ng klase natin. Ako, si Jeymart, si Remar, laban sa inyo ni Lenard at Melvin. At nasundan pa ng maraming beses pa ng pagdodota.

Dahil nga dun nagkaroon na tayo ng koneksyon. Palage ka inaasar nila. Pero hanga ako sayo kase di ka tinatablan. Lumipas pa ang mga araw, lagi kang kasama sa mga lakaran at ang pagsilang ng A4V1.

Astig ang neym. Nag iisa lang sa mundo. LOWIE ALCOY.

Pero nagkaron ng biglang pagbabago. Di ka na sumasama sa paglalaro at pamamasyal. Nagbago ka. Nalungkot ako, pero naintindihan ko naman yun.

Pero minsan nayayamot din ako sayo. Parang nangtritrip ka kase. Lagi kitang pinapakinggan, samantalang ikaw,? Ganyan ba talaga? Dahil higher level ka? Its not worth to be heard na ang boses ko? Minsan nakakasakit ka boy. Pero wala na yun.

Salamat Lowie. Dahil sayo, lalo ko Siya nakilala. Dahil sayo madami akong nalaman, mga bagay na di ituturo ng mga prof natin. Dahil sa yo, nagbago ang takbo ng mentalidad ko. Dahil sayo, naglevelup ang pagiging si Ian Albert ko.

Salamat sa mga aral, paalala, pagcompliment, pagdamay, at madami pa, na hindi ko na kayang ienumerate.

Tayo ang A4V1 habambuhay, walang iwanan, kalimutan, at lokohan ha. Di ko makakalimutan na may isan Lowie na pumasok sa buhay kong magulo at unti unti itong binigyan ng konting ayos at direksyon. Masaya ako na nakilala kita.

<:)))))><

Dear Klasmeyt : Kristine

kristine

Dear Klasmeyt Kristine,

Kamusta ka na? Wag kang mag isip ng kung ano, dahil ikaw ang una. Nagkataon lang na nasa una ang file ng pic mo dito sa cp ko (arrange by date kase).

Naaalala mo ba nung unang pasukan? Late ako pumasok non, tapos sa may unahan ako umupo. Ikaw yung malapet dun, kahit may 2 bangko na pagitan. Nakita ko kagad name mo nun. Anlaki kasi ng font size nung sulat sa envelop mo (ewan ko lang kung envelop ng xray mo yun). Wow kakaibang apelyido, gaya ng reaksyon ng iba.

Wala akong papel nun, wala naman akong kakilala, pero kelangang magkapapel, kaya mahiya hiyang nanghingi ako sayo. Ambaet mo naman at nagbigay ka.

Nalaman ko pa na taga Malaya ka, kapitbahay lang ng Sipsipin. Kala ko MNHS ka, yun pala SIC, may mga tropa kasi akong taga Malaya at MNHS, mga kadotahan ko dun sa Malaya.
Kaya nakakasabay na kita palage pag umuuwe, kung sumasabay ako, at pag papasok kung nagkakataon. Nakakatuwa ka nga tuwing magkukunduktora ka. Hehehe.

Nagddrawing ka pala ng mga anime, hilig ko din yun dati. May mga music ka na alam ko din. Parang nakita ko sayo yung classmate ko nun, pero ngayong mas nakilala kita via observation, hindi na, iba ka pala talaga.

May mga bagay ka na itinatanong sa akin na di ko akalaing itatanong ng isang babae. May mga bagay ka na nasasabi na naaastigan ako.

Salamat sa papel, sa pangongolekta ng pamasahe, sa mga paalala sa text, sa mga pagbati, sa lahat, sa iba pang di ko mabanggit. Salamat.

Di ko malilimutan ang isang Kristine Jane Headway na nagdagdag ng kulay sa buhay ko. Masaya akong nakilala kita.

Dear Klasmeyts

Susulatan ko kayo isa isa. Sinusumpong kase na naman ako eh. Parang pag gamit lang ng freedom of speech. Mga bagay na di ko masabi sa inyo ng harapan.

Walang ranking, o order of importance ha. Pantaypantay lang. Uunahin ko lang yung mga may pix saken dito sa pc ko sa bahay.

Ok start na ako. Enjoy. =)

di ko lam ang dahilan, pero bigla ko lang to naisipan. Pag natapos ko kayo mga 2ECE classmates ko, yung iba ko namang kaibigan. Hehehe.
Wag kayo mag alala, hindi ito suicidal note.

<:)))))><

February 5, 2009

DotA at Walang GF

Di naman lahat ng DotAboy sa mundo ay may GF ah?


DotA at Walang GF


*NagdoDotA ka dahil wala kang GF.

*Wala kang GF dahil nagdodota ka.

-- alin ka man sa dalawang sitwasyon na yan, pareho lang yan. Wala kang GF. DotAboy ka.

Sa DotA :

-->pag wala kang gf, libre ka maglaro, anytime,anywhere,anylong, hanggang kaya ng bulsa mo. Malaya ka. Dota to the fullest ka talaga.XD

Sa Walang GF :

-->pag nagdodota ka, sumasaya ka. Di mo hinahanap hanap yung feeling na may GF. Nakakalimutan mo ang mundo mo. Basta nasa mundo ng Senti at Scourge ka, yun lang. Masaya ka na. Xp

Pag nagdodota ka,
magastos, may pera ka dapat pambayad sa rent sa mga shops.
Pag wala kang GF,
matipid, wala kang dahilan para magload araw araw, para mag ipon ng pang deyt o regalo.

Pag nagdodota ka,
masaya ka. Parang ecstacy nga daw, ayon sa mga addict. Nakakalimutan mga problema.
Pag wala kang GF,
malungkot ka. Its either, iniwan ka ng GF mo *ouch* or di ka pa nagkakaGF *ouch*.

Pag nagdodota ka,
pwede ka pa magkaGF.
Pag wala kang GF,
pwede ka pa magdota.

Pag nagdodota ka,
mouse at keyboard ang lagi mong hawak.
Pag wala kang GF,
wala kang kaholding hands.

Pag nagdodota ka,
titig ka sa monitor.
Pag wala kang GF,
tulala ka sa hangin.

Pag nagdodota ka,
nakakagulo ito sa pag aaral mo.
Pag wala kang GF,
pwedeng pwede makapagconcentrate ng mabuti sa studies.

Pag nagdodota ka,
wala kang GF.
Pag wala kang GF,
nagdodota ka.

****

haha. Kabaliwan ang ganito. >_<

anu ba mas maige? MagDota o Walang GF?

Para sa akin, Wala--->>>


<:)))))<

Panghihinayang

"ay! Sana pala,.."

Ang buhay ay read-only, bawal iedit, walang undo, Ctrl+Z, Backspace o Delete. Kaya kung anu man ang napili mung desisyon yun na yun. Kung narealize mo na mali ito, wag ka nang mag umasa na maitatama mo pa yun, ang pwede mo na lang magawa, ay ang iwasan at wag nang hayaang maulit pa ang mga yon.

Hindi natin hawak sa ating mga kamay ang mga magaganap. Kung magkaganun man, siguro kahit anong naisin natin ay magaganap. Pero ang meron lang tayo, ay ang ating "DESISYON", ang desisyon mo sa iyong buhay na makakaapekto sa mga pwedeng mangyari pa. Yun lang ang hawak natin. Kaya dapat pag isipan talagang mabuti sa tuwing kailangan nating magdesisyon.

Wag na wag mong sasabihing, yun ang kapalaran mo, na magkaganyan ka, DESISYON mo yan.

+++

<:)))))<

February 4, 2009

Day 416: AutoCAD sa Baras(2nd time around)

"manong sa may kanto lang po. Para po." -09:57 pm


(NAHIHRAPANG HTMINGA, NASUUKA. Pero ittype ko pa din to.Sensya na sa mga typo err0r)

Kaninang umaga
kagabe, nagrebyu ako ng kung anu man ang marerebyu ko. Mukha naman kaseng madali ang magiging exam, walang theoretical puro computations lang. Kalmado lang, bago at matapos ang exam na yun sa physics. Siguro ay natutunan ko lang na magkaroon ng ganung nature, (ewan ko lang kung kelan at saan.) relax. Di sya yung tipong mahirap dahil wala ka talagang maisagot, meron, ang kaso, tama kaya? Sa akin, may sagot naman ako lahat, hula-hula, may sampu naman siguro, sana. Di man lang ako nakaramdam ng pagkabad trip, pagkayamot, pag aalala, o kahit anong negatibong damdamin. Blanko, null, wala. Siguro dahil di lang siguro maganda ang pakiramdam ko, wala sa mood (o sadya na?).

DotA is the best medicine

pagkatapos nun eh nagdota naman kame. Unang dota para sa pebrero yun. Pampahimasmas ika nga. Panalo nga at malakas ang hero mo, nanghihina ka naman. Panandaliang cure lang. Pasok ulit sa last subject.

Uwian na

nararamdaman ko na talaga ang taas ng temperatura ko. Magkakasakit talaga ako neto. Kagabe pa tong sipon na to. Nakakaramdam na ako ng kakaiba, basta mahirap ipaliwanag.

Paglalakad

syempre, pag nababaliw na ako, naglalaro ako dun sa mga benches. Tatakbo, uupo, lilipat ng side, tatakbo, uupo ulit, lilipat, paulit ulit lang. Wapakels na kung may makakita? Hu kers? Dito ako masaya eh.

"antayen nyo ko. ^_^"

si sarah yun. Ayun sumabay na ako ng lakad. Nagkakwentuhan ng konte. Bakit di daw ako sumuko na lang at maghanap ng iba. Try daw. Ayoko. Salamat pa rin sa suporta.

Pupunta kami kina pepe eh. So separate ways na kay sarah. Null na naman, ** basta di ko maipaliwanag. Si.. Basta ung mahal ko ay... basta yun na yon.

Lakad pa ng onte, aba timing, sina majie. Si jeymart, nakaka*something makatingin. Null ulet. Wala nga kasi ako sa tamang health c0nditi0n.

Mga pagkakataong nagkataon.

Kung wala lang si jeymart, di ako sasama. Kung wala lang sa akin ung usb ni pepe, di ako sasama.

Bakit?

okey lang. May nadagdag na philosophy. Maraming napagusapan. Napagdiskusyunan. Man's talk with lowie. Basta okey lang.

"anak, umuwi ka na"

nagyaya na ako umuwi, 8pm na eh. Grabe mga wala atang balak umuwi. Kain muna(salamat po). Dun kami dumaan sa nakakatakot na trail, no choice na si lowie eh, kahit natatakot sya. Mas ok pa na dun na dumaan kesa mag isa sya sa kabilang landas. Nakasakay na ako agad ng jeep, buti meron pa, nakababa na.

WALANG KWENTA

wala tong kwenta. Pasensya na di talaga maayos ang pakiramdam ko. Matutulog na ako. 10:30pm. Set alarm-->>3:00am. Gagawa pa ako ng Cad.
Tama na. Dito na lang. Ieedit nalang pag sinipag. Remembrance lang.

<:)))))<

February 3, 2009

Paaralan

Muling nanariwa sa aking alaala ang mga linyang ito:


"when i grow up, i want to be a doctor. To help other people.. Blah. Blah. Blah..."

oo, doktor nga. Ewan ko kung bakit. Tama nga na kung anong nasabe mo sa "wen-ay-grow-ap" mo, ang syang hindi mangyayare sayo. Ayaw ko sa Dugo, mga Laman laman, sa matagal na pag aaral, at higit sa lahat, dahil sa pera (mahirap lang po kami).

Anong Pangarap mo?

Bigla na lang naghukay ng malalim ang aking isipan. Ano nga ba? Ni hindi ko man lang napagkakalibangang ivisualize ang kung ano ako sa future. Basta ang gusto ko lang eh, may masayang pamilya, syempre may maganda, tahimik at medyo maginhawang pamumuhay.
Wala akong ideya kung anong itsura ko kapag isa na akong inhenyero. Siguro, mahirap nga talaga mag imagine, pero vision ang hanap ko.
Di ko man lang naeenvision na nasa ganong kalagayan na ako. Sa totoo lang di naman ito talaga ang pangarap ko. Wala talaga akong pangarap na posisyon, trabaho, o estado na nais maabot. Pero dahil sa ito yung normal, kailangan, kaya ako nag aaral ngayon.
Tamad ako eh. Madaming distraction. Di makapag concentrate. Pero at least pumapasa pa rin. Alam kong kaya ko pa ng higit pa dito eh..

Sa Palagay ko..
Hindi naman talaga mahirap matuto, o mag aral, ang mahirap lang talaga ay kung matututo ka ba o mag aaral. Parang magulo. Heheh.

Matuto at Mag aral
*kapag nagturo ang teacher, syempre kelangan may pokus ka sa itinuturo.
-dapat nakikinig ka. Ninanamnam mo ang mga lessons. Dapat wala kang ibang pinagkakaabalahan o iniisip. Kalimutan muna mga problema sa bahay, sa syota, sa crush,atbp. Itabe ang cp. Kung pwede nga eh, iwanan yan sa bahay. Basta concentrate lang. Magagawa mo naman kasi yung mga yun sa panahon nila eh. May kanya kanyang time naman ang lahat ng bagay eh. May time para don at para dito.

*Sa tuwing magdidiscuss, importante din na lagi kang nagnonotes,
-lalo na kung wala kang libro. Syempre dapat gandahan mo ang sulat mo. Para sipagin ka talagang irebyu yun. Wag kang tamarin pagsusulat. Kase pag tinamad ka magsulat, mawawala ka na sa wisyo makinig. Yan ang mga magiging reference mo. Magsulat sa matinong sulatan. Wag sa mga scratch, madali lang itapon ang mga yon, kaya ka nga may notebook eh.

*Dapat maayos ang pakiramdam mo,
-hindi ka gutom, walang sakit, hindi napuyat o anu pa man. Kaya ka nga pumapasok eh, para matuto. Nakakawalang gana at nakakatamad talaga pag wala kang energy. Dapat kumain ka lagi bago pumasok. Magpaexcuse pag hindi kaya ng pakiramdam. Di rin maganda yung napupuyat ka pag may pasok kinabukasan(mga internal factors ng distraction ng estudyante).

*Iwasan din ang palageng maging late.
-ang pagiging late ay isang senyales ng hindi mo pagpapahalaga sa subject mo. Naiisip mo na, "ay ____ lang naman yun eh, okey lang maleyt". Kaya wag na magpupuyat. Gumising ng maaga. Wag na magtatambay pa. Mas mabuti yung kahit hindi pa oras ay nandon ka na.

*mag aral din sa bahay.
-kaugalian mo ring magbasa basa ng notes, magbuklat ng notes, magpractice magsolve, magsearch ng mga meaning sa dictionary kapag nasa bahay ka. Di ibig sabihin na wala ka sa school ay dapat hindi mo na gawin ang mga yan. Kung weekdays pa rin, yan na ang pinakamabuti mong gawin. Tutal di ka naman masyadong pinapagawa sa mga household chores pag weekdays diba? Kaya bakit mo pa sasayangin ang pagkakataon.

*iwasan mo din ang sobrang maattach sa mga ito:
- cellphone -
ang no. 1 na distraction, dapat pag weekdays, wag na wag ka maguunli o magloload. Syempre susulitin mo yun eh, kaya di mo na mabibigyan ng pagkakataon ang pagaaral mo. Di excuse kung may syota ka, kung mahal ka naman nun eh, maiintindihan nya, dahil sa ikabubuti naman yun. Sapat na siguro mga isa o dalawang paramdam.
- syota -
tutal nabanggit na agad, di naman sa sinasabe ko na masama, pero mga bata pa kayo, pag aaral ang dapat mas naipriprioritize. Kung dahil sa kanya ay mapapaabsent ka, o di kaya eh may mga di ka nagawa, mali na yun. Syempre siguro naman ay pareho kayong estudyante, dapat maintindihan nya rin na, nag aaral kayo. Pwede naman makatulong ang mga mahal mo eh. Mas mabuti yun kesa makasama.
- computer(games, internet) -
may panahon para dyan, kung gamer or surfer ka, mag antay ka ng byernes o sabado. Wag na wag kung may pasok. Nakakadivert ng mood at attention kasi yan eh. Isa pa nga pala itong mahirap kontrolin.
- antok,katamaran, -
di maiiwasan, pero kung naeenjoy mo naman ang mag aral, di mo na maiisip na aksayahin ang oras na dapat ay ipinapang aral mo.

Partial na pagtatapos
Di pa ito tapos. Alam kong madami pa akong pwedeng isulat. Di ko naman nagagawa din ang mga yan. Pero habang naitatype ko to, nag alab ang aking diwa na, gagawin ko na. Ito ang makakabuti. Magandang gabi. Matutulog na ako.
**********

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Web Host