February 10, 2009

Dear Klasmeyt : Romielle

papa omel

Dear Klasmeyt Romielle,

Wee. Ikaw naman papa Omel. Kamusta na boy? Ang pagcocompose, ang pagdodota, ang pag aaral, ang panchichix? Well, di mo naman talaga kelangan sagutin isa isa yan. Kelangan ko lang talaga mag lagay ng intro. (turo nung elementary sa pag gawa ng liham.XD)

Pano nga ba nagsimula ang lahat? Napasama ako sa piling nyo dahil kay Remar. Nagsimula ang lahat sa pagsama ko sa TIMEX, ayaw mo pa nga makiDOTA nun eh, gusto mo lang NBA. Hahah.

Masaya kasi kayo kasama. Naging tropahan na agad tayo. And the rest was history....

Naging magaan ang loob ko sa yo, dahil siguro sa kanta ni JACOB, alam natin parehas, at dedicated pa sa taong, alam mu na. Ang pagkakaiba nga lang, gwapo ka, di ka dapat nagkaganon, hahaha.

Astig ikaw pumorma, ( syempre gwapo, kahit anong style bagay. ), band boy pa. Mr. Scientist pa nga daw, haha. Gustung gusto ko kasi na makihalubilo sa mga magagaling mag aral na mga tao, ewan ko lang kung bakit. Hahaha.

Sa mga usapang 1on1 naten, minsan parang ang galing ko magsalita noh? Pero deep inside, panggap lang yun. Ako din kasi kelangan ng mga ganung encouragements.

Sa ugali mo naman, wala naman akong kinayayamutan sayo, kase kung yabang lang eh, walang umeepekto na mga ganun sa akin. Ay.. Meron pala, yung minsang di mo alam na nakakasakit yung pananalita mo, pag nahahaluan na ng pambabastos, lalo na sa mga pinapahalagahan ko. Okey lang sa akin ang mga ganong topic, pero wag ganong subject. Hope nagets mu boi.

Gusto ko lagi ka kasama, kase napapagusapan natin ang kahit ano. Haha. Ayos. Okey na din kagrupo ka, kase minsan ang sipag mo at responsable pa.

Salamat papa sa mga tips, sa mga discussions, sa pagpapakaen, sa pagpapatuloy, sa fileshare, sa lahat. Masaya akong may papa Omel na nakilala si Ian. Hahah. Kahit minsan napagtritripan kita, ng slight. Bahagi yun ng paglaki. Heheh.


<:)))))><

0 reactions:

Post a Comment

post your comment here! Thank you!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Web Host