November 26, 2008

A Letter of My Sentimental Heart

Dear classmate,
Ang cute mo, ang ganda mo, pero minsan lang yun. Ang sexy mo, pero minsan mataba ka, minsan payat. Dati ang bait mo, pero ngayon ang sungit mo na. Minsan ang lambing mo, minsan ang suplada mo. Dati lagi mo akong nginingitian, ngayon puro irap na lang, tila ba galit ka. Galit ka nga ba?
Pero kahit ganun, kahit ganyan ka, mahal pa rin naman kita. Kalokohan, katangahan, bahala ka na kung ano ang gusto mong itawag sa pinapairal ko, basta ako ang alam ko, pagmamahal ito. Mahal nga kita pero hanggang dun na lang siguro yun. Pinipilit ko. At sana dumating yung panahon na makamove on na talaga ako, pero ayaw ko. Dahil di pa naman katapusan ng mundo. May pag asa pa ako. May extra lives pa ako. Di ko pa naman nagagamit yun. Maghihintay na lang siguro ako sa tamang panahon.
Di ko kasi inakala. Na magiging ganito. Kala ko wala lang, biro lang, trip lang. Pero bakit ganun. Kahit na ginagawa kong [S] ang polarity ko habang ikay ay naka [N], nag swiswitch ka naman para maging [S] din. Sabi nila pag naging malapit daw kayo ng isang tao sa isat isa, maaaring mahulog kayo sa isat isa. Eh bakit ako? Di naman tayo ganun kaclose diba. Sa katunayan nga. 100% stranger talaga ang turing mo sa akin.
Kung alam mo lang siguro ang mga naisuko ko. Pero wala akong balak sabihin, dahil ayaw ko na konsensyahin ka. Baka maawa ka pa at ligawan mo pa ako. Basta. Wala lang nabanggit ko lang. Nanghihinayang lang ako sa mga nasimulan natin o ni ako, na nasayang yata? Sana naman hindi pa huli ang lahat. Gusto kong bumalik sa dati. Mas gusto ko yun. Mas masaya ako. Kung alam ko lang na magkakaganito. Pero wala na. Di ko naman pwedeng ipihit pabalik si earth. Ang tanging magagawa ko na lang. Ay baguhin ang takbo nito sa ngayon.
Matagal ko nang pinapaulit ulit sa sarili ko. Kakausapin kita. Babatiin kita. Kakamustahin ka. Makikipagkwentuhan. Sasabay pauwi at magbababye. Na dati naman ay nagagawa ko. Pero nahihirapan talaga ako, lalo nang kaakibat nun yung nakasaksak na espada sa likod ko. Awts masakit talaga. Label nung espada: "STRANGER 100%" .Na parang tumutulak sa akin na mali at kahangalan pa yung gagawin ko. Bakit ba ganon? Pwede pa bang mabago yun? Pwede mo pa bAng hugutin ang espadang yun? Pano? ASAP. Malamit na maub0s ang dug0 ko.
Sya nga pala. "SORRY PO!!". Sa lahat ng nagawa ko. Kung nasaktan kita, sa ibat ibang paraan at di ko alam na dahilan,humihingi ako ng tawad.
Madami pa sana ak0ng titipain dito.Kaso wag na siguro muna. Nagsisentimyento lang ulit ako. Dahil nga naMISS ko talaga ng SOBRA yung gaya ng dati. Yung tinetext mu pa ako. Yung nagc0c0ment ka pa sa fs. Yung kinakausap mo ako. Ganun ba talaga? Risky nga masyado. Pero di naman kita pinipilit ah. Kung anong gusto mo. Okey lang sa akin. Basta penge na lang ng ngiti mo araw araw, masaya na ako. Mukhang di ito matatapos, pero sige na po. Hanggang dito na lang muna.

P.S. Siguro kung nababasa mo talaga to, malamang lalo ka lang mayamot at tuluyang lumayo. Pero di mo naman ulit mababasa. Kung maBasa mu man. Peace na lang po.
Love,
ian

November 15, 2008

Kaadikan portion (cellphone edition)

Adik sa cellphone? Yan na siguro ako. Buong araw ko nang nabubuwisit ang papa ko dahil sa ginagawa ko. Mag hapon magdamag, hawak ko ang aking cp. Bakit? Nagtetext? Di po, di nga ako madalas magload eh. Naggagames? Paminsan minsan lang. Pero bakit? Ano pa ba edi nag susurf. Since na natutunan ko ang pagsusurf ng wap at web sa cp, naadik na ako. Araw araw nagfrifriendster, punta sa mga community sites,research, download at kung anu an0 pa.So anong pinagkaiba ko sa may pc sa bahay at may internet? Pareho lang kami? Heheh. Sila may limit syempre. Malakas sa kuryente eh, ako mga 2 times lang naman magcharge sa isang bu0ng 24 hrs a day,eh within 30 mins lang ang pagchacharge. Nagbabayad sila. Eh ako? Shhh. Yun nga lang may limit pa din. Mas madami talagang capabilities ang kayang gawin ng isang pc,kumpara naman sa cp. Pero at least, meron. Di ko alam kung bakit ganito na lang ang pag kahilig ko dito. Siguro dahil matagal ko to pinangarap, since highschool ako, wala akong cp nun eh,pahira hiram lang. At ngayon eto na ako, meron nang sariling n70me. Pera ko pa ang ginamit ko dyan. Ngayon nangangarap naman ako magkaroon ng laptop.Heheh. Dahil sa cp na to, madami akong natutunan. Nakakapagbasa ako ng mga tutorials na hanap ko. Pero iba pa rin pag sa pc eh. Mas intense ang feeling. Mas enjoy. Napagdesisyunan ko na pati iwanan ang iba kong ginagawa sa wap/web world. Kung dati adik mode sa pin0ywap,ngay0n 1 a week na lang ang l0gin pag may kailangan lang. Iniwan ko na rin ang shin0bilegends ko.Genin.Yaan mo na yun.Ala naman wenta yun. Friendster, multiply, blogging, forum, web mastering na lang muna. Siguro ganito ako dahil talagang inienjoy at sinusulit ko ang ganitong buhay, dahil alam kong darating din ang panah0ng iiwan ako nit0ng bisyo ko. Malay mo, ipagpasalamat ko pa yun. Pero wag muna ngayon.

Three Years

Medyo matagal tagal na rin. Halos di ko na maalala kung kelan ko huling nasilayan ang bayan ng Rizal. Tatlong taon na ang nakakalipas ng lisanin ko ang aking bayang sinilangan upang tuparin ang aking mga pangarap. Pinagpasyahan ko kasi na lilipat ako sa Maynila, kung sakali mang babagsak ako sa kahit isang subject. Naging maganda naman ang buhay ko sa syudad. Naging mas pokus ako sa pag aaral. Hindi na rin ako nagdodota, kapag may nagyayaya sa akin ay sinasabi ko na lamang na di ko alam yan at di rin ako interesado. Kaya simula nun ay naging maganda ang takbo ng buhay estudyante ko.

Madami akong nakilalang ibang mga tao. Mga bagong kaibigan, ibat ibang uri ng tao, at syempre, di maiiwasang mga kaaway. Simple lang ang buhay ko noon, pero masaya din. Lalo pa nung nakilala ko ang best friend ko. First time ko nun na magkaroon ng bestfriend na babae, may close friend ako nung high school na babae, pero di nga lang magbestfriend ang turingan. Maganda sya, matalino, sexy, crush ng campus at mayaman din. Taka nga lang ako kung bakit ako naging malapit sa kanya. Classmate ko sya. Isa sa mga iniwan ko bago ako lumuwas ay ang pagiging mahiyain sa mga babae. Sa una mahirap. Pero lakasan nga lang ng loob.

First day ng school nun. Madaming tao. Kagulo,siksikan. May nakita akong isang babae, nakasalamin sya at pinupulot ang mga gamit nito na nahulog. Lumapit ako at tinulungan sya. Walang imik imik, nagtama ang aming paningin at sandaling tumigil ang mundo. Nagusap kami.
"uh, hi?", "hello? Pasensya ka na ha", "di, okey lang. Ako nga pala si ian", inabot ko ang aking kamay at tinanggap nya ang pakikipagkamay. Ang lambot ng kamay nya, ramdam ko ang init nito, sabay tugon nya ng "i'm faith, 3rd year,pero transfer", "hah.Heheh.Pareho pala tayo.", "anong section mo?", "uh, ECE-2", "pareho pala tayo".
Di ko inaasahan na ang una naming pagkikita ay hahantong sa malalim na pagkakaibigan. Nag usap kami, at kami na nga ang naging magkasama at napagpasyahang maging mag bestfriend.
Pero di lahat ng bagay ay permanente. Tama ba? Dumating ang araw na kailangan na naming magpaalam sa isat isa. Dahil pareho na kaming board passer na Electronics Engineer. Marahil ay nagtatanong kayo kung anong nangyari sa love life ko? Oo may mga dumadating, pero hanggang dun na lang yun. Nasabi ko na, "pano na ang best ko?". Di ko pinagsisihan dahil masaya naman kami sa isat isa at ganun din sya di din naman sya pumatol sa mga nanliligaw sa kanya. Minsan pa nga eh napagkamalan na kaming dalawa na, at minsan ginagamit pa nya yung pantaboy ng mga makukulit na manliligaw. Hindi ba ako nainlove sa kanya? Maraming beses ko na naisip yan. Sa ganda nya, lahat na ng hanap mo ay nasa kanya, tapos malapit kayo sa isat isa. Pero mas pinili ko na hanggang dun na lang yun. Masaya din naman eh. Pero di ko isasalaysay dito yun. Bukod na kwento ika nga.
Isang email ang natanggap ko 1 week bago ako umuwi ng probinsya. Reunion daw ng Dotaboiz at Amazonas Tigers,2-Ece. Natuwa ako kahit may luha sa mga mata,dahil makikita ko na naman sila,buti at may nakaisip na magorganize nito.
Ngayon nga ay nandito na akong muli sa bayan namin, bayan ng Jalajala. Napakainit ng pag salubong ng aking pamilya, parang her0es welcome ni Manny. May mga banderitas sa street namin. Nginingitian ako ng mga tao, at tumutugon na lang din ng ngiti kahit di ko kakilala.
bahay namin
At sa wakas, nakarating na din ako sa amin, ang layo kasi, dulo pa ng street na yun. Nagulat ako sa aking nakita, ano bang meron? Kasal o birthday o pista? At nasilayan ko ang isang banner, "WELCOME HOME, ENGINEER IAN AUSTRIA". Hinanap ko kaagad ang aking magulang. Naroon sila sa loob. Niyakap ko ng mahigpit. "Pa, Ma, nandito na po ako. Namiss ko kayo sobra", "kami din anak.", "proud kami sayo". Lumapit ang mga kapatid ko, anlalaki na nila. Pati si Teta, nag aaral na pala. Nang iwan ko yun ay parang baby pa.
Batian, iyakan, tawanan. Sobrang saya ng araw na yon. Andaming bisita sa amin. Lahat sila engineer ang tawag sa akin. Akalain mo nga naman. Mga teacher ko nun nandun din, mga exclassmates, mga pinsan, mga kalaro nung bata, at marami pang iba...
"oy kumare, naks, may engineer ka na","kumpare, iba ka talaga","kelan ang ulit nito? Sa kasal na siguro nyang engineer natin"
Nakakapagod ang araw . Pero masaya.
Kaya natulog na ako. Hehehe.(itutuloy..)

November 14, 2008

Sentiment for Her

Exhausted.Tired.Sleepy.
But im still awake. Tried to get to sleep,but cant help it coz it was the way i used to. Told myself not to sentiment again. But what irony makes this torment sweet and cherishable? Never thought ill end up with this. Being a "Senti freak"? An escape, a cure? Mind confused. Dont know how to react on such new scenes and story lines that keep rolling. One thing i know for sure, i love you, i still love you, i havent gotten over, its early to move on, as the whisper of the crickets and the gush of the season's breeze, makes me feel weak. The day is getting over, but my life isn't, as well as the fight ive lost without a chance. This night's dream will save me. Save me from being half dead the next day. A dream of you and me. Under the moonlight, holding hands, both happy. But its just a dream, a dream that will never come true. As i expect when i woke up next morning, seeing you again. Your smile makes me feel happy and sad. You makes me feel everything. The best and the worst. Thats why i still love you. Im happy and lonely on what we are. But im not asking for more than anything. Im just confounded with unanswered sober. Ill just live tommorow as i lived yesterday. If and only if i will still be alive.

A4V1 forums now opened!

http://a4v1.friendhood.net

Matagal ko nang gustong gumawa ng sarili kong forum site, pero kulang pa ang aking kaalaman. Marami na akong naitry na forum hostings, sa wap at web. Di rin sila nagtagal, dahil hanggang testing stage lang. Wala din ako masyadong time para i manage yun. Pero nung nakita ko na naging maganda ang takbo ng group namin sa friendster, why not create another forum site para mas masaya. Alam ko naman kasi na may mga makakatulong na ako dito. Kaya hayun, open na ang http://a4v1.friendhood.net . Inspired by symbianize yan, dun active member ako, kaso wala lang yung mobile at pc stuffs. Ang hirap gumawa from scratch, kaya yun. Heheh. Bata pa ako, at madami pang kelangan matutunan.
Join na kayo!
Masaya dito!

November 13, 2008

Pa shot, part 1

Shot part 1
Eto na.Seryosohan na to.Sisimulan ko nang magsulat ng blogs ko.
Siguro nagtataka sa title.Alak ang tinutukoy ko jan.September 27,2008...Hindi ko na pinigil ang sarili ko,wag ng magpanggap.Hahah.Pakita na sa lahat ang mga natutunan sa lolo.Sa lolo mo na bata ka pa lang hinihila ka na sa inuman.Yun bang tipong papainumin ka daw ng coke,yun pala may 90% na super pait na gin.Oo seryoso.Ganun nga.Since highschool pa,aware na din ako sa mga bagay na ganito.Lage kaya akong sumasama sa mga inuman.Yun nga lang di ako sumasale.Nagoobserve kasi ako.Kumukuha ng data.Hahah.Nagpaplano.
Celebration ng debut ni classmate Aiko.Syempre expected na,ang anu pa nga ba?Hahah.Magaling talaga si Patrick.Halatang sanay sa mga ganito.Sige tagay lang ng tagay.Anung lasa?GSM,mapait,matamis(ang nestea).Pero bukod dun,wala na.Hinahanap ko yung "s0mething" na naramdaman/natagpuan ko sa pagd0d0ta/pagiinternet,na nagpanatili sa akin sa kaadikan ko hanggang ngay0n.Pero wala...
AyUn.Huli.Ang teoriya ng pagkalasing.Hahah.Natutuwa ako pag nakakakita ng mga ta0ng mapupula ang mata pati mukha,nagiingay,gumagawa ng kung anu anu(pinapahiya ang sarili.Lol),kapag nalalasing.Inimagine ko kung an0 kaya pag ako.Hmmm.Maingay?Tahimik?Gagaling sa KungFu? Mananapak?Mangrarape?Hahaha.Wat da fact men!Kalokohan.Siguro kung iinumin ko magisa ang isang bote ng GSM na yun,ay wala.Tulog ako.Mahihilo.Ganun.Pero di ang mga yun.(pero di ko gagawin yun noh,pand0ta ko na lang kesa ibili ko nun.Kung libre ny0 pa aku.Pero di pa din.Konteng pilit pa,mga 3 pa. LoL)
GENERALIZATION: sabi na ng ibAng tumitino lang kausap pag lasing(heheh).Ginagawa lang daw nilang dahilan yun(thumbsup:agree ako),para magawa nila ang mga bAgay na di naman kanais nais na gawiN.Nasa tao na nga naman yun.Epekto bA talaga?O nakamulatan lang na tradisy0n na dapat magmemetamorph ka pag lasing ka.

Three Stones

I always go home late at night and always get the problem getting worried on being beaten up by some creatures that is enormous in number. They aren't humans so there is no way you can talk with them. They are street dogs, in the night.
I always fear that they will bite me and feast with my thin flesh. But the good thing is, I know a secret technique that allegedly wards those stupid dogs off. Whenever I passes through that dark alley, I always bring 3 stones within my pocket. And luckily, or maybe magically, I don't encounter dogs when I have that. It works for me, I am not sure if there is an explanation to these or it is just a pure coincidence. :P

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Web Host