Adik sa cellphone? Yan na siguro ako. Buong araw ko nang nabubuwisit ang papa ko dahil sa ginagawa ko. Mag hapon magdamag, hawak ko ang aking cp. Bakit? Nagtetext? Di po, di nga ako madalas magload eh. Naggagames? Paminsan minsan lang. Pero bakit? Ano pa ba edi nag susurf. Since na natutunan ko ang pagsusurf ng wap at web sa cp, naadik na ako. Araw araw nagfrifriendster, punta sa mga community sites,research, download at kung anu an0 pa.So anong pinagkaiba ko sa may pc sa bahay at may internet? Pareho lang kami? Heheh. Sila may limit syempre. Malakas sa kuryente eh, ako mga 2 times lang naman magcharge sa isang bu0ng 24 hrs a day,eh within 30 mins lang ang pagchacharge. Nagbabayad sila. Eh ako? Shhh. Yun nga lang may limit pa din. Mas madami talagang capabilities ang kayang gawin ng isang pc,kumpara naman sa cp. Pero at least, meron. Di ko alam kung bakit ganito na lang ang pag kahilig ko dito. Siguro dahil matagal ko to pinangarap, since highschool ako, wala akong cp nun eh,pahira hiram lang. At ngayon eto na ako, meron nang sariling n70me. Pera ko pa ang ginamit ko dyan. Ngayon nangangarap naman ako magkaroon ng laptop.Heheh. Dahil sa cp na to, madami akong natutunan. Nakakapagbasa ako ng mga tutorials na hanap ko. Pero iba pa rin pag sa pc eh. Mas intense ang feeling. Mas enjoy. Napagdesisyunan ko na pati iwanan ang iba kong ginagawa sa wap/web world. Kung dati adik mode sa pin0ywap,ngay0n 1 a week na lang ang l0gin pag may kailangan lang. Iniwan ko na rin ang shin0bilegends ko.Genin.Yaan mo na yun.Ala naman wenta yun. Friendster, multiply, blogging, forum, web mastering na lang muna. Siguro ganito ako dahil talagang inienjoy at sinusulit ko ang ganitong buhay, dahil alam kong darating din ang panah0ng iiwan ako nit0ng bisyo ko. Malay mo, ipagpasalamat ko pa yun. Pero wag muna ngayon.
0 reactions:
Post a Comment
post your comment here! Thank you!