November 15, 2008

Three Years

Medyo matagal tagal na rin. Halos di ko na maalala kung kelan ko huling nasilayan ang bayan ng Rizal. Tatlong taon na ang nakakalipas ng lisanin ko ang aking bayang sinilangan upang tuparin ang aking mga pangarap. Pinagpasyahan ko kasi na lilipat ako sa Maynila, kung sakali mang babagsak ako sa kahit isang subject. Naging maganda naman ang buhay ko sa syudad. Naging mas pokus ako sa pag aaral. Hindi na rin ako nagdodota, kapag may nagyayaya sa akin ay sinasabi ko na lamang na di ko alam yan at di rin ako interesado. Kaya simula nun ay naging maganda ang takbo ng buhay estudyante ko.

Madami akong nakilalang ibang mga tao. Mga bagong kaibigan, ibat ibang uri ng tao, at syempre, di maiiwasang mga kaaway. Simple lang ang buhay ko noon, pero masaya din. Lalo pa nung nakilala ko ang best friend ko. First time ko nun na magkaroon ng bestfriend na babae, may close friend ako nung high school na babae, pero di nga lang magbestfriend ang turingan. Maganda sya, matalino, sexy, crush ng campus at mayaman din. Taka nga lang ako kung bakit ako naging malapit sa kanya. Classmate ko sya. Isa sa mga iniwan ko bago ako lumuwas ay ang pagiging mahiyain sa mga babae. Sa una mahirap. Pero lakasan nga lang ng loob.

First day ng school nun. Madaming tao. Kagulo,siksikan. May nakita akong isang babae, nakasalamin sya at pinupulot ang mga gamit nito na nahulog. Lumapit ako at tinulungan sya. Walang imik imik, nagtama ang aming paningin at sandaling tumigil ang mundo. Nagusap kami.
"uh, hi?", "hello? Pasensya ka na ha", "di, okey lang. Ako nga pala si ian", inabot ko ang aking kamay at tinanggap nya ang pakikipagkamay. Ang lambot ng kamay nya, ramdam ko ang init nito, sabay tugon nya ng "i'm faith, 3rd year,pero transfer", "hah.Heheh.Pareho pala tayo.", "anong section mo?", "uh, ECE-2", "pareho pala tayo".
Di ko inaasahan na ang una naming pagkikita ay hahantong sa malalim na pagkakaibigan. Nag usap kami, at kami na nga ang naging magkasama at napagpasyahang maging mag bestfriend.
Pero di lahat ng bagay ay permanente. Tama ba? Dumating ang araw na kailangan na naming magpaalam sa isat isa. Dahil pareho na kaming board passer na Electronics Engineer. Marahil ay nagtatanong kayo kung anong nangyari sa love life ko? Oo may mga dumadating, pero hanggang dun na lang yun. Nasabi ko na, "pano na ang best ko?". Di ko pinagsisihan dahil masaya naman kami sa isat isa at ganun din sya di din naman sya pumatol sa mga nanliligaw sa kanya. Minsan pa nga eh napagkamalan na kaming dalawa na, at minsan ginagamit pa nya yung pantaboy ng mga makukulit na manliligaw. Hindi ba ako nainlove sa kanya? Maraming beses ko na naisip yan. Sa ganda nya, lahat na ng hanap mo ay nasa kanya, tapos malapit kayo sa isat isa. Pero mas pinili ko na hanggang dun na lang yun. Masaya din naman eh. Pero di ko isasalaysay dito yun. Bukod na kwento ika nga.
Isang email ang natanggap ko 1 week bago ako umuwi ng probinsya. Reunion daw ng Dotaboiz at Amazonas Tigers,2-Ece. Natuwa ako kahit may luha sa mga mata,dahil makikita ko na naman sila,buti at may nakaisip na magorganize nito.
Ngayon nga ay nandito na akong muli sa bayan namin, bayan ng Jalajala. Napakainit ng pag salubong ng aking pamilya, parang her0es welcome ni Manny. May mga banderitas sa street namin. Nginingitian ako ng mga tao, at tumutugon na lang din ng ngiti kahit di ko kakilala.
bahay namin
At sa wakas, nakarating na din ako sa amin, ang layo kasi, dulo pa ng street na yun. Nagulat ako sa aking nakita, ano bang meron? Kasal o birthday o pista? At nasilayan ko ang isang banner, "WELCOME HOME, ENGINEER IAN AUSTRIA". Hinanap ko kaagad ang aking magulang. Naroon sila sa loob. Niyakap ko ng mahigpit. "Pa, Ma, nandito na po ako. Namiss ko kayo sobra", "kami din anak.", "proud kami sayo". Lumapit ang mga kapatid ko, anlalaki na nila. Pati si Teta, nag aaral na pala. Nang iwan ko yun ay parang baby pa.
Batian, iyakan, tawanan. Sobrang saya ng araw na yon. Andaming bisita sa amin. Lahat sila engineer ang tawag sa akin. Akalain mo nga naman. Mga teacher ko nun nandun din, mga exclassmates, mga pinsan, mga kalaro nung bata, at marami pang iba...
"oy kumare, naks, may engineer ka na","kumpare, iba ka talaga","kelan ang ulit nito? Sa kasal na siguro nyang engineer natin"
Nakakapagod ang araw . Pero masaya.
Kaya natulog na ako. Hehehe.(itutuloy..)

0 reactions:

Post a Comment

post your comment here! Thank you!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Web Host