"parang yung tugtugin ng jukebox lang yan. Yung kay imelda papin yata yun. Kay rami nang.... :sing:"
Paano Sinira ng Dota ang Buhay ko.
Iisa isahin ko na ang masasamang epekto ng DotA sa buhay ng isang batang estudyanteng katulad ko.
Nang dahil sa dota:
- pumayat ako.
- nagka eyebag
- naging anemic at insomniac ako, plus ulcer pa.
- lumabo mata ko
- nawalan ako ng GF
- Nasira ang pag aaral ko.
- Natuto akong magnakaw
- Natuto akong umutang
- Natuto akong mamakla
- Natuto akong magsugal
- Natutong magcutting at umabsent
- pinapagalitan sa bahay
- Muntik na akong mamatay
- Naubos ang pera ko.
- Natuto akong magmura/trashtalk
napabayaan ko ang sarili ko. Halos di na ako kumain, makapagdota lang. Gastos pa kasi yun, yung ikakain mu, ipandota mo nalang.
kasamang epekto ng pagpayat dahil sa pagpupuyat. Napupuyat ako kakalaro. Halos gabi na lagi ako umuuwi paggaling ko sa pc shop. Di pa makatulog ng maayos, kakaisip ng mga hero tactics.
ayun nga siguro, dahil sa pagpapagutom. Masama din epekto nung lagi kang babad sa monitor, sobrang exposure sa aircon. Grabeng sakit pag magkaulcer ka. Daig pa epicenter.
di na ako naawa sa mata ko. Laging pagod kakatitig sa monitor. Mahirap pag lumalabo ang mata, disadvantage, talaga lalo na kung bata ka pa.
ewan ko ba kung bakit laging pinagseselosan ng mga babae ang dota. Hiniwalayan nya ako dahil wala na daw ako time para sa kanya, dahil payat at eyebagin na ako. At hanggang ngayon, wala pa ring GF dahil sa paglalaro pa rin. Pag nagdodota ka kasi, hindi mo mararamdaman o hahanapin yung feeling na may babaeng lumalambing at nagmamahal, ang nasa isip mo lang, masarap pumatay, magtrashtalk, at maging GodLike.
Ako dapat ang Valedictorian namin. Kaya ko yun. Pero napabayaan ko ang pag aaral ko dahil dito. Nawala ang pokus ko pagrerebyu. Ang nasa isip ko lang lagi ay magisip ng hero builds at play. Nakakalimutan ko gumawa ng assignments at projects. Pati ngayong college, bumababa ang grades ko. Araw araw na sa shop. Wag sanang umabot sa point na bumagsak, madrop at maistop ako sa pagaaral ng dahil dito.
Para makalaro lang. Nagawa kong iwithdraw at pabayaan ang ipon ko sa bangko. Pangsustento sa adiksyon ko kung bakasyon. Natutunan ko ring sumungkit sa alkansya ng kapatid ko, kupitan ang sukli ng mga binabayad sa school na galing sa parents ko. Pero matagal ko na itong pinagsisihan, ikinumpisal, at ihinihngi ng kapatawaran. Sa ngayon. Di na yan naulit, ni minsan.
Nangutang na ako sa may ari ng shop. Pwede naman. Nangutang sa classmate, sa kapatid, at kung sino sino pa. May maipanglaro lang. Yung iba nabayaran ko, pero madami ring bumaon na lang sa limot.
hahah. Di noh. Ung iba jan siguro oo. Ginamit ko noon ang appeal ko para makadiscount sa baklang bantay ng comp. shop. Pero di nya ako nahawakan. Kindat lang at malalambing na salita. Ang 6 hours mo, naging 1&&1/2 hours na lang.Ayoss kahit pweh!.
Marunong na akong magsugal bago pa man ako matutong magdota. Pero yun yung bumabase ka lang sa luck mo 100%. Ng dahil sa lage ako malas pag ganyan, tinigilan, pero hindi ng makilala ko si dota. Syempre may mga pustahan, bayad pc, tournaments. Pera mo ang nakataya. Para san pa nga namang nagpapakaaddict ka, gumastos ng madame para gumaling tapos di mo rin pagkakakitaan?
High school pa lang. Hanggang ng magcollege ako. Nagcucutting pag may pustahan. Ok lang maabsent maglalaro naman eh. Madami naman kayong magkakakasama eh.
di lang dahil sa mabababang grades, dahil din sa hatinggabe at madaling araw na pag uwe. Di na nakakatulong sa gawaing bahay. Kaya yon. Lageng paktay sa tatay at nanay.
Kami pala. Madami kaming natrap nung bagong taon sa shop ni Dumay ng biglang pumasok ang nagaamok na si ka Tony may dalang divineRapier este itak. Lasing, hinahanap ang anak. Sa awa ng Dyos, buhay pa rin ako. Sobrang takot ko. Kala ko ma hoholy shit si ka Tony sa lakas nyang magcleave gamit yung itak.
Yung laman ng bank account ko, yung ipon ko. Yung baon ko. Lahat humahati sa budget ng panDotA. Pati pang regalo/date sa babae. Pocket money sa mga galaan. Pang load, lahat yun nabalewala ng dahil sa rent sa cafe.
di naman normal sa akin yun. At di ko rin gustong makarinig nun. Sakit talaga sa tenga. Pero mga tagaGG eh. Sagana sila. Pati mga kashop mo. Mga expressions lang. Nahawa na. Kaya para sa akin, normal na lang yun.
Since na manlamig at masuya ako sa mga kaGG ko. At di na rin nakakalaro yung best online buddy ko, nabawasan na yan. Ilan lang yan. Madame ba? Alam kong ganyan din yung iba. Mas worst pa nga eh. Ikaw na ang bahalang humusga sa akin. Negatives lang yan.
Para sa mga katulad ko, magisip ka na. Kung alam mo nang mali, ano na dapat mong gawin. Ahm.... May mga bagay na ginagawa, hindi lang basta sinasabe. Hehehe.
Edit: ang dota nun sa akin ay isang HOBBY na naging BISYO na HOBBY na lang ulet.
19 reactions:
boy comment... ka din.. aba..
kulang pa ata ang post mo dito ah...
comment.. ko
walng masamang epekto ang dota... nasa player yun..kung paano mo budget oras mo at panu diskarte ng buhay mo..
ung gumawa ng blog na to 4 sure d pa siado sanay magdota kya ganun.!! bka noob pa ang pota! . ausen mu buhay mo tanga mo
mga bobo pala kau eh cge cnu mas mataas ang grade ang nagdodota o nagaaral
masama ang epekto nian ipinagtatanggol nio lang ang dota kasi adik na kayo di nyo na kayang mawala sa buhay nio ang dota, wlaa na kaung future dota na ang buahy nio
oo nga..
hndi masama ang dota.... mlibn n lng kung sobra na...
BTW, nice blog!!!
kapag kasi nasimulan mo ang dota maaadik ka na.. kaya mas okay na wag ka nang maglaro.... sinasayang nyo lang pera ng magulang nyo at sinasayang nyo lang oras nyo jan... gumising na kayo... umaga na..
KK said
kaya ganyan sinasabi mo kasi di ka marunong maglaro ng dota..weak ka kasi
nice blog sir :) Nakarelate kami ng katabi ko. Wahahahahhaa
mas mataas grade ko nagdodota ako! jk pero totoo. AHAHA. hindi totoong walang masamang epekto ang DotA.kung titignan mo ang pangatlong komento ay makikita mo ang epekto nito sa wika at pag-iisip ng mga manlalaro.
haha medyo masama nga ang pagdodota
nice..galing ng gumawa ng blog..
totoong may masamang epekto ang DOTA .. nakakadistract talaga lalo na pag iniisip mo yung mga nangyari sa laro niyo kanina (nanalo man o natalo kayo...) mas nauubos ang oras mo sa pagdodota kaysa sa pag-aaral mo.. :DD pero masaya siya as entertainment.. and recreational activity with your friends/classmates..
sino po yung writer ng blog nato?
Isn't it obvious?!..comment #3 is the proof..
ang sarap kya magdota lalo kpag my nagpapatibay ng loob mo
ang hero mo!!!!!wahahahahahah
Bilat ni Ryan and manolo
Sang ayon ako sayo sir... wala talagang magandang maidudulot ang paglalaro ng dota... inaamin ko isa din akong manlalaro ng Dota pero ngayon iniwasan ko dahil hindi biro ang naging karanasan ko habang nalulong ako sa bisyong itO... Kayong mga nagcomment na hindi masama ang DOTA... Dadating at dadating ang araw na makakapag isip din kau tulad ko kung gaano itO rude na laro... Basahin nyo ang link na ipopost ko... http://reborn-youth.blogspot.com/2010/02/dota-masama-o-mabuti.html
well talagang masama maglaro ng DOTA
Lalo nat bobo ka at hindi marunong mag manage ng time....hahaha
pssst girl toh..
hey bakit masama maglaro ng DOTA?
diba magiging masama lng yan kung nagiging adict ka na ...
bobo ka din eh ...
sorry klasmeyt!!!!
Post a Comment
post your comment here! Thank you!