"Sana may TimeLapse din ako."
Patience is a Virtue
Nung malaman ko na magpepyesta muli sa Bilibiran, inaya ko na kaagad si Pepe na pupunta kami. Pumayag sya. Ayaw ko na kasing ulitin ang nakaraan. Sapat nang nagkamali ng isa. Kahit may sakit si Pepe nun sumipot pa rin sya. Kaya naiintindihan ko kung para saan yung higit sa 1 oras kong paghihintay sa sakayan ng jeep. Jinajaming na nga lang ako ng barker nun para malibang.
"Boss, ala pa yung hinihintay mo?"
"wala pa eh."
"San ba manggagaling yun?"
"baras lang po."
"bakit ang tagal. Girlfriend mu ba yun? Kung ako sayo, di ko na papansinin yun, eh kanina ka pang alas-11 dito eh."
Ngumiti na lang ako.
Narealize ko na ganun talaga ang paghihintay. Hindi nakakainip maghintay pag meron ka talagang hinihintay, yung sure ka na hindi ka nagaantay sa wala at kung ano o sino man yun, ay dapat worth the wait. Ngayon, alam ko na ang nararamdaman ni Jerwin sa tuwing lumuluwas kami. (sorry dads.)
Maghanda man o hindi pupunta talaga kami. Ang sabi sa akin ni Teejay, wala daw handa. Maigi na lang at biglang nagkaroon. Anggaling. Money war daw. Alam ko may naisakripisyo, pero kung anu man yun. Wala na akong kagustuhang alamin. Wala rin namang magagawa.
Humans cannot make miracles
Bago pa ang pagkikita namin ni Pepe, tinext ko na yung mga taong may chance na pumunta. Subalit ni isa walang nagreply. Maaaring busy lang sila, ewan natin, di nagtext eh. At kung sino pa yung mga wala talagang pagkakataon pero nais nilang makasama, nagparamdam. Sayang. Pero wala dapat ako ikagalit. Kahit ikaw.
Napatunayan ko na hindi kaya ng tao na gumawa ng himala. Tanging ang Dyos lamang. Tao lang tayo, ako.
Nakarating na kaming dalawa sa Binangonan. Pagtapat ng jeep sa makipot na street ng Pantok, sinambit ni Pepe ang pangalan ni Lowie, at ganun din pagtapat ng 7/11, ang pangalan ni Yanyan. PBTS, at eto na ang Rural Bank of Angono, bumaba na kami. Diretso kina Teejay, syempre si Pepe ang tour guide. Wala sya dun. Kina Michael na agad.
Akala ko, mabubuo ang A4V1. Pero, A3V1 lang. Si Lowie na inasahan ko. Ewan ko. Ayun diretso na kina Teejay ulet. Syempre pag pyesta, sakto gutom na. Kainan na. Pininyahang may pinya at manok na galing SM, shanghai rolls na may ketchup na maladugo, gulaman/morphling na pink na may nata, kanin na hindi NFA, isang litrong pepsi na may ngiti. May dala akong DVD nun. Yung hiniram ko kay Majie. Battle Royal 2(Requiem), ayos pampaganang kumaen. Humabol pa si Lenard.
Tapos na ang pagkain, tinapos na din namin yung pelikula. Di ko pinatulan yung beans na nakarepack with itlog ng butiki na colorful. Kahit favorite ko ang beans, di kasi ako sanay pag ganun.Hehehe
Hanap na ng dotAhan. Madami, puro puno. Gala muna. Lakad lakad. Pinaguusapan ang mga wala. ^_^ . Kaen kina Michael. Ayun, nakapagdota din. Sulit talaga dun. Mura na, high quality pa. Flat screen LCD monitor, ang ganda ng specs ng PC. Pati internet, mabilis. Well ventilated pa.
Bago umuwe, syempre kain muna. Madilim na nun. Tumigil si Michael, habang nasa madilim na eskinita kami, walang ibang dumadaan, tumalikod sya at humarap sa pader. Umiihi na pala. Sabi ko ay, kina Teejay na lang ako iihi. Pero anu to! Lahat sila jiningelan na yung kalyeng un. Edi nakigaya na din. Mga bumbero, wala namang apoy. Hehehe. Konteng gaslawan, nagkadiligan tuloy ng paa.Hahaha.
Wala nang kanin kina Teejay. So kina Michael na.
"hi!!"
"??"
"im jelo"
"?!"
Wee. Wulang pumansin dun sa bading na amuy Vicks. Hakhak. Gutom eh. Naku may tao. Buti na lang mga tahimik.
[image: pyesta&&food hosts, ilo at yajeet]
[image: mga bisita, ian pepe lenard]
[image: A3V1M1?]
[image: onteng handa]
Note: di pa to tapus.Mahaba pa ito. =((
January 19, 2009
Pyesta sa Binangonan
8:35 PM
e11egarden
1 comment
1 reactions:
nice boy...
hehehehe...
=))
basa pow kau...
Post a Comment
post your comment here! Thank you!