January 17, 2009

Reasons

"hindi lahat ng bagay may dahilan"



This entry is a response to one of the future blog topics of iLo Life.

Ang Pagkakawatak ng Dotaboys...
Napakatagal na. Halos di ko na maalala ang lahat. Pero oo. Totoo. Nagkaroon ng pagkakahati ang aming barkadahan. Normal lang naman yun sa mga relasyon. Syempre may pagsubok din. At sa bawat pagsubok, sa bawat tagumpay sa paglampas sa mga ito, lalong titibay ang ugnayan.
Hindi ko na kayang isalaysay ang mga eksaktong nangyari. Maaari ding sa kadahilanang labas ako dun sa alitan na yun. Hindi naman sa itinatago namin ang tunay na dahilan. Hindi lang talaga maalala.
Dahil doon. Ayun nga. Nagkaroon ng pagkakagrupo grupo ang normal na iisang samahan namin. Hindi nagbabatian, at dahil dun hindi na rin halos nag aasaran. Walang pansinan. Walang pakialaman. Walang tulungan. Hindi masaya.



...Nang dahil kay Ian
Ha? Nang dahil sa akin? Oo nga daw. Nang dahil sa akin. Nang dahil sa hindi ko pagdodota daw? Di ko maintindihan kung bakit? Bakit? Anu naman kung hindi ako naglalaro?, tama ba na magkaganyan kayo?
Well. Sa tingin ko lang, Coincidence Abuser kayo. Malamang ay nagkataon lang naman yun. At ginawa nyo lang siguro na panakip yun diba? Yung di ko pagsama sa mga laro!? Kaya nga mahirap para sa akin ang isulat ito. Dahil dun.


The Truth
Kung tama yung pagkakaalala ko, ang tinutukoy na insidente dito ay yung nagoriginate sa "Bangko" (silya, upuan, chair). Ewan ko. Di ko naman kasi nakita. Ang upuan sa computer sh0p, oo di ko nakita dahil hindi ako kasama sa paglalaro. Simple. Maliit na bagay lang. Pero nagkaganun kayo. Kayo! Kayo lang. Kasi di naman nabago tingin ko sa inyu nun. Wala akong pinanigan. Pero naayos din naman. Dahil din sa akin.


DotA ang Solusyon
Pagkatapos ng Drawing natin. Tinipon ko nun ang lahat. Nag painit ng balitaktakan. At pinagusapan ang lahat. Lahat naman kasi nadadaan dun. Maigi naman at naayos. At nagdota ulit tayo. Oo tayo.


Dahilan ko.
Pero bakit natigil ako magLaro? Naglalaro pa rin naman ako eh. Yun nga lang. Hindi na sa sch0ol. Dito lang lagi sa amin. Bakit?

  • dahil narealize ko na magastos masyado. Sayang pera. Kaylangan mag ipon.
  • dahil narealize ko na kailangan ko ipokus ang sarili ko para mag aral, aral, aral.
  • dahil nakaramdam ako ng panlalamig, pagka sawa, pagkasuya. Sa larong ito. Di imposible. Araw araw mo ginagawa eh. Sila ng sila rin.
  • dahil narealize ko na.. Na.. Na. Nagmamahal na ako. Oo dahil inlove ako. Hehehe



Ngayon
Ngayon. Nagdodota pa rin naman ako. Pero hindi ibig sabihin nun ay binabalewala ko na yung mga naging realizations ko. Subalit. Habang sinusulat ko to, nararamdaman ko na namang muli na kailangan ulit ng pagbabago. Sabi nga niya, "gutom ka ian." (spiritual hunger). Oo. Di na muling maglalaro ng araw araw. Di na pupusta. Pero gaya nga ng sinabi ni iLo. "KAYA KONG IWAN ANG DOTA, PERO HINDI ANG DOTABOYZ". Isipin nyo na lang ganun. Si jeymart kasi eEh.Hahaha

1 reactions:

Michael Angelo C. Aquino said...

=))

hehehehehehe


peace...

Post a Comment

post your comment here! Thank you!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Web Host