Muling nanariwa sa aking alaala ang mga linyang ito:
"when i grow up, i want to be a doctor. To help other people.. Blah. Blah. Blah..."
oo, doktor nga. Ewan ko kung bakit. Tama nga na kung anong nasabe mo sa "wen-ay-grow-ap" mo, ang syang hindi mangyayare sayo. Ayaw ko sa Dugo, mga Laman laman, sa matagal na pag aaral, at higit sa lahat, dahil sa pera (mahirap lang po kami).
Anong Pangarap mo?
Bigla na lang naghukay ng malalim ang aking isipan. Ano nga ba? Ni hindi ko man lang napagkakalibangang ivisualize ang kung ano ako sa future. Basta ang gusto ko lang eh, may masayang pamilya, syempre may maganda, tahimik at medyo maginhawang pamumuhay.
Wala akong ideya kung anong itsura ko kapag isa na akong inhenyero. Siguro, mahirap nga talaga mag imagine, pero vision ang hanap ko.
Di ko man lang naeenvision na nasa ganong kalagayan na ako. Sa totoo lang di naman ito talaga ang pangarap ko. Wala talaga akong pangarap na posisyon, trabaho, o estado na nais maabot. Pero dahil sa ito yung normal, kailangan, kaya ako nag aaral ngayon.
Tamad ako eh. Madaming distraction. Di makapag concentrate. Pero at least pumapasa pa rin. Alam kong kaya ko pa ng higit pa dito eh..
Sa Palagay ko..
Hindi naman talaga mahirap matuto, o mag aral, ang mahirap lang talaga ay kung matututo ka ba o mag aaral. Parang magulo. Heheh.
Matuto at Mag aral
*kapag nagturo ang teacher, syempre kelangan may pokus ka sa itinuturo.
-dapat nakikinig ka. Ninanamnam mo ang mga lessons. Dapat wala kang ibang pinagkakaabalahan o iniisip. Kalimutan muna mga problema sa bahay, sa syota, sa crush,atbp. Itabe ang cp. Kung pwede nga eh, iwanan yan sa bahay. Basta concentrate lang. Magagawa mo naman kasi yung mga yun sa panahon nila eh. May kanya kanyang time naman ang lahat ng bagay eh. May time para don at para dito.
*Sa tuwing magdidiscuss, importante din na lagi kang nagnonotes,
-lalo na kung wala kang libro. Syempre dapat gandahan mo ang sulat mo. Para sipagin ka talagang irebyu yun. Wag kang tamarin pagsusulat. Kase pag tinamad ka magsulat, mawawala ka na sa wisyo makinig. Yan ang mga magiging reference mo. Magsulat sa matinong sulatan. Wag sa mga scratch, madali lang itapon ang mga yon, kaya ka nga may notebook eh.
*Dapat maayos ang pakiramdam mo,
-hindi ka gutom, walang sakit, hindi napuyat o anu pa man. Kaya ka nga pumapasok eh, para matuto. Nakakawalang gana at nakakatamad talaga pag wala kang energy. Dapat kumain ka lagi bago pumasok. Magpaexcuse pag hindi kaya ng pakiramdam. Di rin maganda yung napupuyat ka pag may pasok kinabukasan(mga internal factors ng distraction ng estudyante).
*Iwasan din ang palageng maging late.
-ang pagiging late ay isang senyales ng hindi mo pagpapahalaga sa subject mo. Naiisip mo na, "ay ____ lang naman yun eh, okey lang maleyt". Kaya wag na magpupuyat. Gumising ng maaga. Wag na magtatambay pa. Mas mabuti yung kahit hindi pa oras ay nandon ka na.
*mag aral din sa bahay.
-kaugalian mo ring magbasa basa ng notes, magbuklat ng notes, magpractice magsolve, magsearch ng mga meaning sa dictionary kapag nasa bahay ka. Di ibig sabihin na wala ka sa school ay dapat hindi mo na gawin ang mga yan. Kung weekdays pa rin, yan na ang pinakamabuti mong gawin. Tutal di ka naman masyadong pinapagawa sa mga household chores pag weekdays diba? Kaya bakit mo pa sasayangin ang pagkakataon.
*iwasan mo din ang sobrang maattach sa mga ito:
- cellphone -
ang no. 1 na distraction, dapat pag weekdays, wag na wag ka maguunli o magloload. Syempre susulitin mo yun eh, kaya di mo na mabibigyan ng pagkakataon ang pagaaral mo. Di excuse kung may syota ka, kung mahal ka naman nun eh, maiintindihan nya, dahil sa ikabubuti naman yun. Sapat na siguro mga isa o dalawang paramdam.
- syota -
tutal nabanggit na agad, di naman sa sinasabe ko na masama, pero mga bata pa kayo, pag aaral ang dapat mas naipriprioritize. Kung dahil sa kanya ay mapapaabsent ka, o di kaya eh may mga di ka nagawa, mali na yun. Syempre siguro naman ay pareho kayong estudyante, dapat maintindihan nya rin na, nag aaral kayo. Pwede naman makatulong ang mga mahal mo eh. Mas mabuti yun kesa makasama.
- computer(games, internet) -
may panahon para dyan, kung gamer or surfer ka, mag antay ka ng byernes o sabado. Wag na wag kung may pasok. Nakakadivert ng mood at attention kasi yan eh. Isa pa nga pala itong mahirap kontrolin.
- antok,katamaran, -
di maiiwasan, pero kung naeenjoy mo naman ang mag aral, di mo na maiisip na aksayahin ang oras na dapat ay ipinapang aral mo.
Partial na pagtatapos
Di pa ito tapos. Alam kong madami pa akong pwedeng isulat. Di ko naman nagagawa din ang mga yan. Pero habang naitatype ko to, nag alab ang aking diwa na, gagawin ko na. Ito ang makakabuti. Magandang gabi. Matutulog na ako.
**********
February 3, 2009
Paaralan
9:36 PM
e11egarden
2 comments
2 reactions:
hehehehe..
nice...
parang ang hirap gawin..
Mahirap talaga. Maski ako di ko magawa. Haha. ^_~v
Post a Comment
post your comment here! Thank you!