November 26, 2008

A Letter of My Sentimental Heart

Dear classmate,
Ang cute mo, ang ganda mo, pero minsan lang yun. Ang sexy mo, pero minsan mataba ka, minsan payat. Dati ang bait mo, pero ngayon ang sungit mo na. Minsan ang lambing mo, minsan ang suplada mo. Dati lagi mo akong nginingitian, ngayon puro irap na lang, tila ba galit ka. Galit ka nga ba?
Pero kahit ganun, kahit ganyan ka, mahal pa rin naman kita. Kalokohan, katangahan, bahala ka na kung ano ang gusto mong itawag sa pinapairal ko, basta ako ang alam ko, pagmamahal ito. Mahal nga kita pero hanggang dun na lang siguro yun. Pinipilit ko. At sana dumating yung panahon na makamove on na talaga ako, pero ayaw ko. Dahil di pa naman katapusan ng mundo. May pag asa pa ako. May extra lives pa ako. Di ko pa naman nagagamit yun. Maghihintay na lang siguro ako sa tamang panahon.
Di ko kasi inakala. Na magiging ganito. Kala ko wala lang, biro lang, trip lang. Pero bakit ganun. Kahit na ginagawa kong [S] ang polarity ko habang ikay ay naka [N], nag swiswitch ka naman para maging [S] din. Sabi nila pag naging malapit daw kayo ng isang tao sa isat isa, maaaring mahulog kayo sa isat isa. Eh bakit ako? Di naman tayo ganun kaclose diba. Sa katunayan nga. 100% stranger talaga ang turing mo sa akin.
Kung alam mo lang siguro ang mga naisuko ko. Pero wala akong balak sabihin, dahil ayaw ko na konsensyahin ka. Baka maawa ka pa at ligawan mo pa ako. Basta. Wala lang nabanggit ko lang. Nanghihinayang lang ako sa mga nasimulan natin o ni ako, na nasayang yata? Sana naman hindi pa huli ang lahat. Gusto kong bumalik sa dati. Mas gusto ko yun. Mas masaya ako. Kung alam ko lang na magkakaganito. Pero wala na. Di ko naman pwedeng ipihit pabalik si earth. Ang tanging magagawa ko na lang. Ay baguhin ang takbo nito sa ngayon.
Matagal ko nang pinapaulit ulit sa sarili ko. Kakausapin kita. Babatiin kita. Kakamustahin ka. Makikipagkwentuhan. Sasabay pauwi at magbababye. Na dati naman ay nagagawa ko. Pero nahihirapan talaga ako, lalo nang kaakibat nun yung nakasaksak na espada sa likod ko. Awts masakit talaga. Label nung espada: "STRANGER 100%" .Na parang tumutulak sa akin na mali at kahangalan pa yung gagawin ko. Bakit ba ganon? Pwede pa bang mabago yun? Pwede mo pa bAng hugutin ang espadang yun? Pano? ASAP. Malamit na maub0s ang dug0 ko.
Sya nga pala. "SORRY PO!!". Sa lahat ng nagawa ko. Kung nasaktan kita, sa ibat ibang paraan at di ko alam na dahilan,humihingi ako ng tawad.
Madami pa sana ak0ng titipain dito.Kaso wag na siguro muna. Nagsisentimyento lang ulit ako. Dahil nga naMISS ko talaga ng SOBRA yung gaya ng dati. Yung tinetext mu pa ako. Yung nagc0c0ment ka pa sa fs. Yung kinakausap mo ako. Ganun ba talaga? Risky nga masyado. Pero di naman kita pinipilit ah. Kung anong gusto mo. Okey lang sa akin. Basta penge na lang ng ngiti mo araw araw, masaya na ako. Mukhang di ito matatapos, pero sige na po. Hanggang dito na lang muna.

P.S. Siguro kung nababasa mo talaga to, malamang lalo ka lang mayamot at tuluyang lumayo. Pero di mo naman ulit mababasa. Kung maBasa mu man. Peace na lang po.
Love,
ian

0 reactions:

Post a Comment

post your comment here! Thank you!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Web Host