January 27, 2009

Pyesta ng Baras

"simpleng ligaya para sa mga simpleng nilalang."


Walang kasawaan

At muli na naman akong mamemyesta, konting pag gawa sa bahay lang para makalayas. Buti na lang madami akong pera sa bahay, (epekto ng di pagdodota). Kahit di ako nanghingi ng panggastos at di nakapagpaalam, maluwag pa rin akong nakaalis sa aming tahanan. Di na rin kasi ako pinipilit na paglabahin.
Mag-11am na nang umalis ako sa amin. Maayos naman ang aking byahe. High way ng baras dumaan, di ko pa naman memorize kung dito. Alam nyo naman na wala talaga akong skills sa travelling. Lol. Naalala ko yung "D' One", nung makita ko yun bumaba na ako.
Tanghali na yun. Tutok na tutok na ang araw nun. Tinahak ko na ang liblib na daan kina Pepe, na nababalot ng napakaraming misteryo, hiwaga at kwentong kababalaghan.

[img ng daan]
[img ng paglalakad]


Angeles Mansion

Sa wakas, nakarating din ako. Natapos na din ang napakahabang paglalakad. Ang pagod ay pinawi ng very hospitable na pagtanggap ng Angeles Family. Napakaraming pagkain, kaya nabusog agad ako, gutom na kasi ako nun, sobra.
Nandun sina Teejay, Jeymart, Patrick, Michael, at Lenard. Wala man yung ibang inakala kong nandon, ok lang. Malayo ang mansyon nila Pepe sa bayan, kaya siguro hindi na nagkayayaan na mag gala pa papuntang bayan.
May nakasalang naman na Dvd ng CodeGeass, but later pinapaltan ko ng Twilight, pero di rin pinanuod ng husto, di ko rin kase masyadong interes na mapanuod un, for experience lang. May nakabukas na laptop, na kung saan, pwedeng pwede ka mag AutoCAD, Photoshop, VBA, at kumuha ng pix gamit ang webcam. Sayang nga lang walang internet. Napagkalibangan din namin ang paglalaro sa koleksyon ni Pepe ng mga Yu-Gi-Oh! Duel Monster Cards. Napakadami nun. Kahit bawat isa sa amin ay pwede makabuo ng kanya kanyang deck. Nun lang pala natuto si Teejay mag YuGiOh. Naglaban laban kami. Walang kamatayang kwentuhan. Kain, kain. Pasounds ng 200+ songs na naiburn ko. Nag Moymoy Palaboy na din sa harap ng webcam. Piktyur ng madami. Edit edit. Kain ulit. Kulitan. Kain. Pakasaya.


[img ng mga nag yu YuGiOh!]
[imgs na kuha ng webcam]
[stolen shots]


Duel Over

"ilo, mag uwi ka ng ulam, antayin namin yon"

ewan ko lang kung yan nga yung eksaktong text ng nanay ni michael, basta ganyan yun. Hehehe. Mag se 7 pm na kasi, nagkayayaan na din magkauwian. Kung pwede nga lang, ayaw ko na umuwi, kaso may pasok at mapapagalitan ako. Pag andun ka kasi kina Pepe, di mo mafifeel na nasa ibang bahay ka, (sa akin ganun, dahil ata sa tiles na flooring. Hahah) feel at home ka talaga. Kaya ayun ipinagbalot na nga kami, ayos din. Salamat.
Madilim na, katakot maglakad. Napagtripan pa na dun dumaan sa nakakatakot at nakakakilabot na sobrang dilim na daan na nababalot ng kwento ng mga taong nawawala at naliligaw na natatagpuan na lang sa umaga. Well, thrill seekers ang mga loko, edi go kami. Akala namin, mangyayari ang mga yun. Pero hindi. May maganda pang nangyare. Eto oh.

[img ng magandang nangyari]

Swerte naman namin at nasaksihan yun. Kakaibang experience na naman. Diretso uwi na. Tulog. Kinabukasan nasermonan. Pero ok lang. Alam ko naman na wala ako/kaming ginawang masama, nagpakasaya lang kasama ang mga kaibigan, pinatibay pa ang samahan. Anong masama dun?

Next Pyesta, Morong.

January 25, 2009

Pyesta ng Tanay

"Tao lang tayo, marunong mapagod"


9 am.

"Ian!! Nakaalis ka na ba?"
"Di pa po.."
"anUng oras pasok mo?"
"...."
"may pasok ka ba?"
"uh, eh...wala po."
"bakit?!"
"kasi po, 3 subjects kami pag Friday. Yung una, Drawing4, eh taga Tanay instructor namin, tapus sa tanghale, Taxation, wala yung prof, aalis, at yung huli P.E. wala ding instructor, pupunta ng sports meet."
"mamimista ka ba?"
"opo."


11 am.

"pat, and2 na aq boy sa plaza"
"wala si pat, nand2 kina teton"
....
Huh?
Sige hihintayin ko.

11:59 am.

"boy anu na?"
"..."
...
pakshet.! Libot mode. Dami ko na nakitang mga kakilala. Antay pa diN ako. Nagtext ako kay Pepe.

1 pm.

daming beses ko nang pinapaintindi na kelangan ko ng sundo dahil hindi ko alam ang papunta kina Jerwin. Gutom na gutom na ako nun. Ngalay na ngalay ang mga paa kakaupo at tayo. Usok, alikabok, init. Napapamura na ako.

malapit na mag 2 pm.

buti naman pinuntahan na ako, gustung gusto ko na umuwi. Sorry din Pepe sa inasal ko, nadala lang ng sitwasyon, maraming salamat.

punta na kiNa Jerwin

hindi ko natandaan ang daan. Wala talaga ako talent sa travelling. Ok lang yan, mamaya naman ay matatandaan ko na rin dahil maggagala din for sure.

Kain agad. Hello classmates. Pakabusog. Then naglabas si Jerwin ng SanMigLight, tig iisang bote. Ayus to, for experience. Okey naman yung beer, light talaga. Pero mainit, kahit malamig na dahil sa yelo, pinag init pakiramdam ko.

[img ng nag iinom ako]


-san mig lang pala eh.


-oha.Ubos ko ang isang bote.XD

Pov ko. Di masama mag iNom, kung hindi sobra, for an ocassion lang naman. Social drinking kumbaga.

kina Jemuel naman.

kasama mga gurls, punta naman kNa jemuel. Kantahan muna, gitara. Mga busog pa eh. Pero kain pa rin onte. Desserts lang. Back to kantahan ulet.

kina ma'am Herrera??

next destination, kina ma'am Herrera. Nauna na ang Amazonas Tigers, dumaan pa kasi kami kina dads. Paikot ikot kami, parang pinag33pan kami ni Jerwin. Lalo ko tuloy hindi natandaan ang daan papunta sa kanila.

Dito na kami. Nakita na naman ang ngiti ni ma'am, sabay pasok sa loob ng pinto nila. Napaisip kame? Ayaw? Dedma? O pinapahanda na mga titirahin natin? Medyo napahiya din ata ng onte mga kasama ko, kaya alis na daw. Ayun alis nga, bye ma'am, bad ka. Hehehe.

sa may park

wala naman ibang mapupuntahan eh. Diretso na sa park, 2 groups, AT at DB, kalas kalas muna, tingin tingin sa sedera, chick watching, fishing(lol), exhibit, tapus ngkatagpo din sa tapat ni Rizal.

Piktyur piktyur.

[mga images sa plaza]


-trippings lang.hehe


-class pic? AT & DB.


si lowie lang ang nagenjoy, (i think) nabore kami, alis na.

balik kina Jerwin

separate ways sa AT's. Hapon na kasi eh kelangan ni Macatula bumalik sa Morong ng 4pm. Time check lang:

3:50 pm.

dinelay namin ang uwi nya, kina dads muna, t.V. , internet, kain,kain,kain, bye dads, iwan na muna si macatula.

madilim na

uulan kasi. Uwian na din. Umulan nga. Grabe ang lakas. Basan basa ako pagbaba ng jeep. Hindi na ako umuwi sa amin. Buti na lang at may baon akong xtra tshert, at sinelas. Sa pinsan ko ulet ako nakitulog. Walang signal globe nung gabing yun. Ewan kung bakit.

goodnight

enjoy ang araw na yun. Kht mukhang simple lang. Masaya pa rin kahit pinarusahan at pinaasa ako.Lol. Syempre andun si gracey eh.Ok na ako dun. Hehehe. Next stop baras.. This sunday. Oo ngaun na. Papunta na nga ako eh.Hehehe.

January 19, 2009

Masamang Epekto ng Dota

"parang yung tugtugin ng jukebox lang yan. Yung kay imelda papin yata yun. Kay rami nang.... :sing:"


Paano Sinira ng Dota ang Buhay ko.

Iisa isahin ko na ang masasamang epekto ng DotA sa buhay ng isang batang estudyanteng katulad ko.

Nang dahil sa dota:


  • pumayat ako.

  • napabayaan ko ang sarili ko. Halos di na ako kumain, makapagdota lang. Gastos pa kasi yun, yung ikakain mu, ipandota mo nalang.
  • nagka eyebag

  • kasamang epekto ng pagpayat dahil sa pagpupuyat. Napupuyat ako kakalaro. Halos gabi na lagi ako umuuwi paggaling ko sa pc shop. Di pa makatulog ng maayos, kakaisip ng mga hero tactics.
  • naging anemic at insomniac ako, plus ulcer pa.

  • ayun nga siguro, dahil sa pagpapagutom. Masama din epekto nung lagi kang babad sa monitor, sobrang exposure sa aircon. Grabeng sakit pag magkaulcer ka. Daig pa epicenter.
  • lumabo mata ko

  • di na ako naawa sa mata ko. Laging pagod kakatitig sa monitor. Mahirap pag lumalabo ang mata, disadvantage, talaga lalo na kung bata ka pa.
  • nawalan ako ng GF

  • ewan ko ba kung bakit laging pinagseselosan ng mga babae ang dota. Hiniwalayan nya ako dahil wala na daw ako time para sa kanya, dahil payat at eyebagin na ako. At hanggang ngayon, wala pa ring GF dahil sa paglalaro pa rin. Pag nagdodota ka kasi, hindi mo mararamdaman o hahanapin yung feeling na may babaeng lumalambing at nagmamahal, ang nasa isip mo lang, masarap pumatay, magtrashtalk, at maging GodLike.
  • Nasira ang pag aaral ko.

  • Ako dapat ang Valedictorian namin. Kaya ko yun. Pero napabayaan ko ang pag aaral ko dahil dito. Nawala ang pokus ko pagrerebyu. Ang nasa isip ko lang lagi ay magisip ng hero builds at play. Nakakalimutan ko gumawa ng assignments at projects. Pati ngayong college, bumababa ang grades ko. Araw araw na sa shop. Wag sanang umabot sa point na bumagsak, madrop at maistop ako sa pagaaral ng dahil dito.
  • Natuto akong magnakaw

  • Para makalaro lang. Nagawa kong iwithdraw at pabayaan ang ipon ko sa bangko. Pangsustento sa adiksyon ko kung bakasyon. Natutunan ko ring sumungkit sa alkansya ng kapatid ko, kupitan ang sukli ng mga binabayad sa school na galing sa parents ko. Pero matagal ko na itong pinagsisihan, ikinumpisal, at ihinihngi ng kapatawaran. Sa ngayon. Di na yan naulit, ni minsan.
  • Natuto akong umutang

  • Nangutang na ako sa may ari ng shop. Pwede naman. Nangutang sa classmate, sa kapatid, at kung sino sino pa. May maipanglaro lang. Yung iba nabayaran ko, pero madami ring bumaon na lang sa limot.
  • Natuto akong mamakla

  • hahah. Di noh. Ung iba jan siguro oo. Ginamit ko noon ang appeal ko para makadiscount sa baklang bantay ng comp. shop. Pero di nya ako nahawakan. Kindat lang at malalambing na salita. Ang 6 hours mo, naging 1&&1/2 hours na lang.Ayoss kahit pweh!.
  • Natuto akong magsugal

  • Marunong na akong magsugal bago pa man ako matutong magdota. Pero yun yung bumabase ka lang sa luck mo 100%. Ng dahil sa lage ako malas pag ganyan, tinigilan, pero hindi ng makilala ko si dota. Syempre may mga pustahan, bayad pc, tournaments. Pera mo ang nakataya. Para san pa nga namang nagpapakaaddict ka, gumastos ng madame para gumaling tapos di mo rin pagkakakitaan?
  • Natutong magcutting at umabsent

  • High school pa lang. Hanggang ng magcollege ako. Nagcucutting pag may pustahan. Ok lang maabsent maglalaro naman eh. Madami naman kayong magkakakasama eh.
  • pinapagalitan sa bahay

  • di lang dahil sa mabababang grades, dahil din sa hatinggabe at madaling araw na pag uwe. Di na nakakatulong sa gawaing bahay. Kaya yon. Lageng paktay sa tatay at nanay.
  • Muntik na akong mamatay

  • Kami pala. Madami kaming natrap nung bagong taon sa shop ni Dumay ng biglang pumasok ang nagaamok na si ka Tony may dalang divineRapier este itak. Lasing, hinahanap ang anak. Sa awa ng Dyos, buhay pa rin ako. Sobrang takot ko. Kala ko ma hoholy shit si ka Tony sa lakas nyang magcleave gamit yung itak.
  • Naubos ang pera ko.

  • Yung laman ng bank account ko, yung ipon ko. Yung baon ko. Lahat humahati sa budget ng panDotA. Pati pang regalo/date sa babae. Pocket money sa mga galaan. Pang load, lahat yun nabalewala ng dahil sa rent sa cafe.
  • Natuto akong magmura/trashtalk

  • di naman normal sa akin yun. At di ko rin gustong makarinig nun. Sakit talaga sa tenga. Pero mga tagaGG eh. Sagana sila. Pati mga kashop mo. Mga expressions lang. Nahawa na. Kaya para sa akin, normal na lang yun.




Since na manlamig at masuya ako sa mga kaGG ko. At di na rin nakakalaro yung best online buddy ko, nabawasan na yan. Ilan lang yan. Madame ba? Alam kong ganyan din yung iba. Mas worst pa nga eh. Ikaw na ang bahalang humusga sa akin. Negatives lang yan.


Para sa mga katulad ko, magisip ka na. Kung alam mo nang mali, ano na dapat mong gawin. Ahm.... May mga bagay na ginagawa, hindi lang basta sinasabe. Hehehe.

Edit: ang dota nun sa akin ay isang HOBBY na naging BISYO na HOBBY na lang ulet.

Pyesta sa Binangonan

"Sana may TimeLapse din ako."




Patience is a Virtue
Nung malaman ko na magpepyesta muli sa Bilibiran, inaya ko na kaagad si Pepe na pupunta kami. Pumayag sya. Ayaw ko na kasing ulitin ang nakaraan. Sapat nang nagkamali ng isa. Kahit may sakit si Pepe nun sumipot pa rin sya. Kaya naiintindihan ko kung para saan yung higit sa 1 oras kong paghihintay sa sakayan ng jeep. Jinajaming na nga lang ako ng barker nun para malibang.
"Boss, ala pa yung hinihintay mo?"
"wala pa eh."
"San ba manggagaling yun?"
"baras lang po."
"bakit ang tagal. Girlfriend mu ba yun? Kung ako sayo, di ko na papansinin yun, eh kanina ka pang alas-11 dito eh."
Ngumiti na lang ako.
Narealize ko na ganun talaga ang paghihintay. Hindi nakakainip maghintay pag meron ka talagang hinihintay, yung sure ka na hindi ka nagaantay sa wala at kung ano o sino man yun, ay dapat worth the wait. Ngayon, alam ko na ang nararamdaman ni Jerwin sa tuwing lumuluwas kami. (sorry dads.)
Maghanda man o hindi pupunta talaga kami. Ang sabi sa akin ni Teejay, wala daw handa. Maigi na lang at biglang nagkaroon. Anggaling. Money war daw. Alam ko may naisakripisyo, pero kung anu man yun. Wala na akong kagustuhang alamin. Wala rin namang magagawa.

Humans cannot make miracles
Bago pa ang pagkikita namin ni Pepe, tinext ko na yung mga taong may chance na pumunta. Subalit ni isa walang nagreply. Maaaring busy lang sila, ewan natin, di nagtext eh. At kung sino pa yung mga wala talagang pagkakataon pero nais nilang makasama, nagparamdam. Sayang. Pero wala dapat ako ikagalit. Kahit ikaw.
Napatunayan ko na hindi kaya ng tao na gumawa ng himala. Tanging ang Dyos lamang. Tao lang tayo, ako.
Nakarating na kaming dalawa sa Binangonan. Pagtapat ng jeep sa makipot na street ng Pantok, sinambit ni Pepe ang pangalan ni Lowie, at ganun din pagtapat ng 7/11, ang pangalan ni Yanyan. PBTS, at eto na ang Rural Bank of Angono, bumaba na kami. Diretso kina Teejay, syempre si Pepe ang tour guide. Wala sya dun. Kina Michael na agad.
Akala ko, mabubuo ang A4V1. Pero, A3V1 lang. Si Lowie na inasahan ko. Ewan ko. Ayun diretso na kina Teejay ulet. Syempre pag pyesta, sakto gutom na. Kainan na. Pininyahang may pinya at manok na galing SM, shanghai rolls na may ketchup na maladugo, gulaman/morphling na pink na may nata, kanin na hindi NFA, isang litrong pepsi na may ngiti. May dala akong DVD nun. Yung hiniram ko kay Majie. Battle Royal 2(Requiem), ayos pampaganang kumaen. Humabol pa si Lenard.
Tapos na ang pagkain, tinapos na din namin yung pelikula. Di ko pinatulan yung beans na nakarepack with itlog ng butiki na colorful. Kahit favorite ko ang beans, di kasi ako sanay pag ganun.Hehehe
Hanap na ng dotAhan. Madami, puro puno. Gala muna. Lakad lakad. Pinaguusapan ang mga wala. ^_^ . Kaen kina Michael. Ayun, nakapagdota din. Sulit talaga dun. Mura na, high quality pa. Flat screen LCD monitor, ang ganda ng specs ng PC. Pati internet, mabilis. Well ventilated pa.
Bago umuwe, syempre kain muna. Madilim na nun. Tumigil si Michael, habang nasa madilim na eskinita kami, walang ibang dumadaan, tumalikod sya at humarap sa pader. Umiihi na pala. Sabi ko ay, kina Teejay na lang ako iihi. Pero anu to! Lahat sila jiningelan na yung kalyeng un. Edi nakigaya na din. Mga bumbero, wala namang apoy. Hehehe. Konteng gaslawan, nagkadiligan tuloy ng paa.Hahaha.
Wala nang kanin kina Teejay. So kina Michael na.

"hi!!"
"??"
"im jelo"
"?!"
Wee. Wulang pumansin dun sa bading na amuy Vicks. Hakhak. Gutom eh. Naku may tao. Buti na lang mga tahimik.

[image: pyesta&&food hosts, ilo at yajeet]
[image: mga bisita, ian pepe lenard]
[image: A3V1M1?]
[image: onteng handa]

Note: di pa to tapus.Mahaba pa ito. =((

January 17, 2009

Reasons

"hindi lahat ng bagay may dahilan"



This entry is a response to one of the future blog topics of iLo Life.

Ang Pagkakawatak ng Dotaboys...
Napakatagal na. Halos di ko na maalala ang lahat. Pero oo. Totoo. Nagkaroon ng pagkakahati ang aming barkadahan. Normal lang naman yun sa mga relasyon. Syempre may pagsubok din. At sa bawat pagsubok, sa bawat tagumpay sa paglampas sa mga ito, lalong titibay ang ugnayan.
Hindi ko na kayang isalaysay ang mga eksaktong nangyari. Maaari ding sa kadahilanang labas ako dun sa alitan na yun. Hindi naman sa itinatago namin ang tunay na dahilan. Hindi lang talaga maalala.
Dahil doon. Ayun nga. Nagkaroon ng pagkakagrupo grupo ang normal na iisang samahan namin. Hindi nagbabatian, at dahil dun hindi na rin halos nag aasaran. Walang pansinan. Walang pakialaman. Walang tulungan. Hindi masaya.



...Nang dahil kay Ian
Ha? Nang dahil sa akin? Oo nga daw. Nang dahil sa akin. Nang dahil sa hindi ko pagdodota daw? Di ko maintindihan kung bakit? Bakit? Anu naman kung hindi ako naglalaro?, tama ba na magkaganyan kayo?
Well. Sa tingin ko lang, Coincidence Abuser kayo. Malamang ay nagkataon lang naman yun. At ginawa nyo lang siguro na panakip yun diba? Yung di ko pagsama sa mga laro!? Kaya nga mahirap para sa akin ang isulat ito. Dahil dun.


The Truth
Kung tama yung pagkakaalala ko, ang tinutukoy na insidente dito ay yung nagoriginate sa "Bangko" (silya, upuan, chair). Ewan ko. Di ko naman kasi nakita. Ang upuan sa computer sh0p, oo di ko nakita dahil hindi ako kasama sa paglalaro. Simple. Maliit na bagay lang. Pero nagkaganun kayo. Kayo! Kayo lang. Kasi di naman nabago tingin ko sa inyu nun. Wala akong pinanigan. Pero naayos din naman. Dahil din sa akin.


DotA ang Solusyon
Pagkatapos ng Drawing natin. Tinipon ko nun ang lahat. Nag painit ng balitaktakan. At pinagusapan ang lahat. Lahat naman kasi nadadaan dun. Maigi naman at naayos. At nagdota ulit tayo. Oo tayo.


Dahilan ko.
Pero bakit natigil ako magLaro? Naglalaro pa rin naman ako eh. Yun nga lang. Hindi na sa sch0ol. Dito lang lagi sa amin. Bakit?
  • dahil narealize ko na magastos masyado. Sayang pera. Kaylangan mag ipon.
  • dahil narealize ko na kailangan ko ipokus ang sarili ko para mag aral, aral, aral.
  • dahil nakaramdam ako ng panlalamig, pagka sawa, pagkasuya. Sa larong ito. Di imposible. Araw araw mo ginagawa eh. Sila ng sila rin.
  • dahil narealize ko na.. Na.. Na. Nagmamahal na ako. Oo dahil inlove ako. Hehehe



Ngayon
Ngayon. Nagdodota pa rin naman ako. Pero hindi ibig sabihin nun ay binabalewala ko na yung mga naging realizations ko. Subalit. Habang sinusulat ko to, nararamdaman ko na namang muli na kailangan ulit ng pagbabago. Sabi nga niya, "gutom ka ian." (spiritual hunger). Oo. Di na muling maglalaro ng araw araw. Di na pupusta. Pero gaya nga ng sinabi ni iLo. "KAYA KONG IWAN ANG DOTA, PERO HINDI ANG DOTABOYZ". Isipin nyo na lang ganun. Si jeymart kasi eEh.Hahaha

January 12, 2009

Vandalism. Exposed!

"a really nice piece of art, art, art, art."

EXPOSED!!

TIDE HUNTER. Owner of the twin giant Pentel pens. Dominated the world of vandalism at the College of Engineering Building. He used to draw pictures depicting the "m4l3 s3x 0rg4n". As we trace back the history, the drawing of that symbol was originated from the early era of KNIGHT DAVION with its naughty artistic fingers. Its like they were stamps that when it got near your note book, or any other vulnerable belonging, it will be trademarked!!



With a wide grin on his face he was again on his session. Noticing the m4rks on the arm chairs, on your notebook, and the worst, in the male CR!! Yes he drew that!! Those two giants guns(cannons)! He's the one solely responsible on that! Im sorry br0, but i cant withstand it. Im itching to sh0ut it out. Good luck na lang pare ko. Hehehe.

Image of the legendary mark not attached coz i do not wanna display any adult content images here.

"Di ka lang namin napiktyuran nun sa C.R. swerte mu pa rin. Yaan mu di naman sana/siguro nila to mababasa. At isa pa, nabura na naman yun eh. Mag ingat ka na lang boy. Hakhak.xD"

January 11, 2009

Uncertain Logs

Usapang Logs

I just recently checked out my logs and scrolled on the "Packet Data" option and this is what it says:

Whoaah! Grabeh! I was surfing na pala that much! Sobrang adik na talaga ako sa wap. I dont know if from when this packet data logs counts. I thought it always resets a day because I have the settings that Log duration is only 1 day. Due to the fact that clearing up logs, will make your phone faster.

I was planning to clear that log, since i had created a post like this, but, parang sayang. Maybe after a year nalang. So i can kn0w how addicted im getting into using GPRS.

If that packet data transfer will be calculated, 10cents per KB. 1million KB = to 1GB, 1 million cents = to 10,000 pesos? Approximation with respect to 1 GB. Who0ah. Ive been leeching 10K from Globe. Yeah. Coz im doing it at no cost. For free, exactly.

Writing this p0st, makes me realize these:

s0 much time ive spent. But theres no regrets.
I think i sh0uld lessen, coz preventi0n is imp0ssible.
Im doing this coz its still free.
I need to change, for better.

Mas makakabuti sa akin kung mababawasan ko ang kaadikan ko. Alam ko yun. Pero pano? Inspire me please. Baka may maitutulong ka?

P.E. 4 - Team Sports

"Shake it!"

Prologue
"I hate P.E.!" . Years ago, since highschool, I used to hate this subject because i dont like it much. Why?
- "it makes me tired."
- "invokes perspiration too."
- "i must focus on academic stuffs."
- "im thin, unfit, looking funny when on it."
- "im not good in any of it."
Thats not all. My list is long but im not planning to write it all. Basta yoko nung subject na to, dati. Takot ako sa bola, masakit yun pag tumama. Magc0c0mputer na lang ako. But, not until this Friday, P.E. time again. Team Sports.

Toss Coin
Exam in taxation, its sorta easy to answer but, unsure. P.E. is now the next subject. We used to have a 1 hour break after taxation. We didnt got outside, like what were doing normally, coz nakakatamad, instead ive lead them (Jeymart, Gene, Jerwin, Rogiene)at the fo0dcourt. I wanna eat a little merienda, for energy source. So few time passed. I knew and am sure that we still have alm0st half an our till P.E. Weve decided to go now at the gymnasium and "WhOOAH?!??". Imba! Its starting. Rushing to daze. Weve got ourselves dressed. Now were ready.

The Scene
This time this will be a sort of photoblog. Pictures will tell. Heheh.
Few instructions and introductions, then were on. After some warm ups, a game was brewed. From counting by 1-2-1-2, two teams were formed. Im team 1, wala na ko pakelam sa mga kalaban, kahit malakas sila, basta enjoyin lang ang laro.
The game. The loosing team will do a push up equivalent to the "lamang" times two.

Set! Serve!


-"warm up muna diba nga teejay?"

-"o kami naman, paserve!"

-"si ilo naka leather na naman"

-"team 1"

-"amazonaz tigerz"

-"instructions muna."

-"first serve ni burenren."

-"serve naman ni gene (ace player)"

-"pang asar pose ni buren."

-"go dan!!"

-"syempre ako na to."

-"serve ko.Weee!"

-"serve ni pat. Extra si sir."

-"teejay, certified team2"

-"serve naman ni pepe"

After ng mainit na laban.

Syempre ang nanalo, kame! Hahaha. Ang galing namin. Ayun push up tuloy sila.


-"enjoy pushing up"

-"go team 2!"

-"kawawa naman c grace"

-"galit na naman."

-"moment ni ilo-ozer"

-"sarap na sarap si ilo"


Game Over

Uwian na. Nakakapagod. Pero masaya, enjoy! Hahah. Excited na ako ulet sa next Friday. I love P.E. na talaga! Or, i love volleyball.

January 10, 2009

Moving Backward or Moving Onward?

"Moving on was never easy."

Ruptured Heart
Being in love in a person and having the same curse as me? Living a broken and jaded life left alone? They said, just move on. But it wasnt easy. Really, exactly. If its for real, its hard, but at some cases if its just nothing but a joke, you can move on in a flash. And what i feel now is for a reality. A reality that keeps on giving a stabbing pain that ruptures my heart. Im broken. Emo, they say.

Bloodrage
Living a life like this, is a ghostly curse. Not all people can see it in a person. As for me, im indefinite, i used to fake. Writing here is some kind of an exorcism for me. Releasing the wraith curse on your heart. You woke up on a day, live with it, laugh at times, sleep, then the same again. But not as always. There are certain times youll sentiment. Times youll think of things like this. Its uncomfortable, its like when the effect of an anesthesia on you wores off. Pain. Emotional suffering time again.

Blood bath
They want me to move on. Its for so long. The wounds turned to scars. But i cant. Why? Coz i dont want to. I still wanna fight. Im not dead yet. Im still alive and breathing, hoping, wishing. I told them im gonna move backward. But i dont know how though. Im just letting time pass me by. Passing unnoticedly, time fading. A lesson i remembered, not to take time a waste. It must be treasured the single way, precious tic and tac of the clock. I must do something.

Blood Thirst
As im writing this, im seeing a ray of hope in me. Thinking of possible things that might happen, if and only if i make some actions. But, i cant. Im numb. Im weak. Im scared. There is only one thing i know that can make me fine. Its when, "I'll tell her, that I LOVE HER." .But how, when, where, and what? I used to plan on it. But it always get disrupted. What? What if she rejects me solely? Yeah. It will make me hurt more worst, but at last, i will accept it. Its the only thing thats left and i havent tried yet. Just a right timing. But when? Hopes it wont be late. What if she accepts and love me back. Edi ayos. Kaso mahirap talaga. Pero gagawin ko dahil:
life is unconstant.
Many inevitable things might happen.
Its the only way.
I wanna be free.
It will be a great part of a change in me.
That will make me a better person no matter what.

Iba kasi ang lagay ko eh. Its not the theme thats "its Over", but its a "Goodbye" that hasnt been started. Worst. Being "Vulnerable" helps me breathe in this life. Ang gulo ko na masyado. Basta yun. Mahal na mahal kita!! I love you.Break me so i can be free and die, love me back so i can live more and be born again...

January 8, 2009

01.08.09 Just Another Cursed Day

"Its true that When it rains, it pours."

Evaporation
This morning I woke up early coz im excited for im not going to school but to somewhere else. Who wont get excited if you were about to have an instant Php10,000 in your hand. Well it isnt instant, really, coz ive waited for it for so long. Last time the wait time was just 30 days from the re-application but this time its now 30 WORKING days. Too bad it landed on the holiday season, that more than 30 but not working days gone by. Now its time to claim my scholarship allowance im longing for so long. Everything's fine, weve asked for an excuse on this day's subjects, we are sure of having it coz others got theirs, except for one. The weather isnt fine.

Condensation
It was a bit rainy maybe due to the typhoon in Visayas. But its ok. Its not that hard. I wore on my rockstar pants, green tShirt, and the black rubber shoes, with Omel's hanky, my phone and my iD. I did not bring my bag coz im planning to buy a new one this day.


-"daan sa amin"


-"byaheng jeep"

Precipitation
Jerwin, whom was my co-scholar buddy and classmate, was also excited, he have so many things to buy too (such as Twilight books, a new pair of shoes, clothes, etc). He did want me to go early too, in fact i did it this time. I arrived at the Capitol in Pasig City, maybe minutes after him. He said he hasnt checked yet, he like us to do it together. Nice. Its raining a bit, good thing he has an umbrella. Suddenly i joked on how about we did got nothing, coz we didnt call to make sure, weve got careless. But hesitantly, he answered back, "Think POSITIVE!".

Its pouring!!
Then were on the door of the Scholarship Office, not anyone of us wants to go first. Nagtutulakan na kami. Buti na lang may lumabas so weve decided na sabay na pumasok. Now were in.

"Upo muna kayo" . Maam Malou uttered.
"Magcclaim?" . Pasunod na tanong. Tinanguan lang namin.
"RCSF?" . "Opo" . Habang naghahalukay na si maam ng files.
"Tumawag na ba kayo?" tanong ni Maam Ruby.
(paktay. Eh di pa kami tumatawag.Eto na ata yung kinakatakutan ko.)
pasimpleng opo.
"Austria...
...
..
.
Wala...

Ay eto pala." "+sigh+". "Kinabahan si Ian.Hehe" biro ni maam malou.
YEESS!! sa isip ko.
"Tongohan...
...
..
.
Ay ikaw ata ang wala, oo nga wala ka nga."

Inayos na ni Maam yung claim slip ko. Nagkapirmahan na. Pinapunta na ako sa cashier para iclaim ko na. Nang..

It pours Harder
"ahm.Excuse po. Magcclaim po"
nagulat at napabalikwas ang nagtetext na babae sa loob ng booth. Sabay kuha nung iD ko at nung Claim slip.
"..., .., ay! Wala pa eto eh! Tsktsktsk. Pakisabi icheck yung master list nila" ibinalik sa akin yung susi sa php10,000 ko.
WAAAAHHH!!
Bakit ganun. Diretso ako sa office ulet. Tapos sinabe yung mga nangyare den.
"ay. Di kasi kayo tumawag muna eh. Pag ganun tawag muna kayo ha. Para sure. La pa kasi pera pala sa inyo. Mga tuesday, tawag kayo ha."
"ah.Ok po. Salamat po" -leaves-.

Thunder roars and Lightning strikes
Pano na yan. Were both undefined. Then i asked Jerwin to eat na, kasi kagutom pero yung tipid lang. Di kasi ako nagdala ng madaming pera dahil nga akala ko ay makukuha namin ang aming sampung libo. At ganun din pala sya. As usual, SM Megamall pa rin kahit malungkot. Sumakay kami ng jeep. Then nagbayad na si Jerwin, pati ako, nanghiram muna sa kanya ng pamasahe. But after nung maiabot nya yung bayad, biglang liko naman ng jeep. WTS!! Edi hindi dadaan sa Mega? Pota sayang bayad edi baba kami agad. Lakad. Nakikipag patintero sa mga sasakyan. Kinakabahan nga kami dahil anu kayang susunod na mangyayaring kamalasan sa amin? Ang masagasaan? No-no. Luckily. Nakarating kami ng Mega. Kain lang. Tapos gala ng onte. Window shop yung mga gustong bilhin then uwi agad.

Rainbow
Yun nga yung inaantay ko. Yung rainbow behind these kamalasans. Pero wala. Wala talaga. Luckily nakauwi ako ng safe. Ewan ko lang kay Jerwin, sana,hehe. Nakakahiya tuloy humarap sa parents. Tsktsk.

Lessons na natutunan..
-be 101% sure before doing a decision.
-the positive thinking doesnt works! Believe me!
-life in the city is boring without money.(even at province)
-bata pa nga ako. (kami)
-its wrong that theres always a rainbow after the rain.Hmp!

Nung nasa NBS kami, ive spotted a paradox.
*bakit kaya mas mahal yung mga librong mas kailangang mabasa ng mga tao? Like yung nasa "Faith and Religion Section" at nasa "College Section"?? Salagay ba eh pangmayaman lang yun.? Gusto ko sanang bumili ng mga books about Christianity, baka sakaling mawala yung gulo ng isip ko, kaso mahal eh. Kawawa naman yung mga mahihirap, they dont deserve those yata. :C

some other pix.

-"SM ulit, sa wakas."


-"window shoppers"


-"pati pagkain. Nakakatamad."

[x]nakakatamad kasi magpicture. La tuloy kwenta[x]

Pantasya : Rebirth

"sa muling pagsilang ng Pantasya"

The Past
Mag iisang taon na rin mula nang ipakilala sa amin ni Michael ang mundo ng Pantasya. Naaalala ko pa nung mga panahong yun na di ko pa nadidiskubre ang fb sa wap, ay nagtyatyaga ang lang kami sa libreng Yahoo! ng globe. Hindi ko inakalang magagamit namin yun sa pagbibigay ng konting ligaya sa aming buhay dotAboy. Anggaling ni Michael dahil naisip nya na magsave ng stories sa drafts ng Yahoo! nya para basahin sa cp via wap. At noon nga ay lumaganap na ang Pantasya Fever sa amin. Halos lahat ng kalalakihan sa amin ay subscribe kay ilo, sapagkat Yahoo! account ni ilo ang gamit namin. Alam namin ang password nya dito.

The Present
At ngayon nga na libre na ang wap sa kahit anong network, gamit ang ilang tricks, pinakapopular na ang paggamit ng Opera Mini Browser, ay naaaccess na namin directly from its site ang pantasya ni ilo. Di na namin kelangan ng Yahoo! ni Michael.

The Future
Ano nga kayang mangyayari sa future? Pano pag nawala ang Fb ng globe? Balik sa Yahoo! ni Michael? Pano kung hindi mawala, may mga bagong sites? Hahah. O makagagawa na kami ng sarili naming site na balak naming tawagin na Pontasya, tribute kay iLo ponta. Lalaki lang kami, at hanggang pagpapantasya lang ang kaya. At least nahahahasa namin ang aming imahinasyon, naiimprove ang reading skills, yun nga lang, sa kalibugan. Pero walang sinasaktan na tao (babae). Ika nga nila, "I WILL DESTROY YOUR VIRGINITY BY THE POWER OF MY IMAGINATION."LoL. Hohoh.xD

Plan
Marunong na akong sumulat ng mga pang Pantasya Stories, at susulat na, konting inspirasyon pa.Hehe.

January 7, 2009

Real End. Success and Luck.

[x]"why do i have to write it over and over again?"[x]

MMC issue again
Hi, im back again. Talking the same shit again. Just to make an update bout this incident. My Memory Card is still functi0ning. As i rest nOw here in my bed, i thank God for everything, cant count it lol. Thank you. Good night fellas. Didnt thought i would came up 3 blog topics that are synoptical in a day. Imba.

Case Closed
S0 much, s0 much. Now its time to end this, whoever managed to get lucky and cursed the same too, just info up here. Ill try my best to help yeh fellas. Tommorow would be a very great day. Im getting my allowance for this Sem. Sinu gusto sumama? Ililibre ko.Hehehe.Tara!!

Corrupted Memory Card (Fixed)

"you dont have to see, just to believe"
Update
The cure I have established on my fragile MMC was a success. My MMC is back on its raw state. Empty but usable again. Due to this simple event in my life, I now believe on things i dont see. The old saying "to see is to believe" is now deleted on my vocabolary. I thought im gonna buying a new one again, but thanks God, its now ok.

The Cure
Good thing is i have preinstalled MCFixer at my phone's internal memory long ago since my first MMC corrupted. What ive done was to format it with that nifty application because the system formatter doesnt works anymore. The first try works but gets corrupted again. So i format it again but the same thing happened. I thought it is the bug at this beta version (i wondered if the final version was released out there, i couldnt find it). After writing on the memory the fresh formatted memory card gets corrupted again. So ive decided to read on how to use the MCFixer by searching on the internet.

The Answer
What ive found out is, it (the MCFixer) was created for n-gage phones MMC. I dont care much about it, as long as the app runs on my phone. They said that after the installation on your phone memory, you mus reboot your phone. Format it. Then reboot again. Ahah! So it needs restarting, which i didnt done. Ive tried it but, it got corrupted again. WTS! I thought it would now work. Having tired and given up on this shit, i decided to sleep. When i woke up. Its fine now. Yey. Maybe all it needs was a long break after a format session.

Further Medications
Ive decided to still bring my phone at school, though i dont want to, but for the sake of the movie-making, we'll try. Its not fully charged and the estimated time maybe at the early of Physics. Thats good coz i can focus on that subject now. But having a LightCtrl app, makes my battery prolongs. My plan now was to just put only multimedia files (no porns) and text files, few useful and mostly used apps, no more vanity stuffs, no more games. Just a Nokia N70 music&internet edition, not a gaming edition. Not, anymore.

Memory Card Corrupted

What the shit!! My memory card got corrupted again!! Oh nah. Its still can be fixed but all the data was lost. Now i know the limit of a small piece of electronic storage card. We shouldnt make so much use of very large amount of file processing in the phone as it involves the memory card. Im thankful it got fixed yata. Thanks to MCFixer. Im not sure if its fixed now, coz the said symbian app was just a beta, if not i think im gonna buying again a new one. Good thing is i will be having my scholarship allowance this thursday.

Having this happen again, it makes me feel and realize that i shouldnt be using my phone as what im doing before, its better c0z i can f0cus on other things. Yeah thats much better.

January 6, 2009

The First

"What is Man? Existentialism. Realism. DotA"

Game starting in 5.....4....3...2..1.
January 5 2009, first monday of the year. Classes will resume. The happy days are over. Back to reality. Ive woke up as usual at 6am in the morning. My daily routine of first touching my phone, dropping by on my bookmarks until its now seven. Everybody else in the house will soon leave and as i hear the sound of our tricycles motor starting up, I hurriedly get up. Ate my breakfast, and prepare everything for the first day of school again for this year.

Boots of Travel
its commuting again. I hat this part. But good thing is i always have sounds from my ph0ne which makes the ride not that boring and tiring. I felt complacent feelin that the ride was fast coz it took just a normal 30 mins till i reached Tanay. But this was inverted coz the ride up to Morong ate so much time despite that it was a shorter ride. Well thats ok. Its just Philosophy again, Ma'am Olivas again.

Creeps First Wave
At last. Im on the gates of URSM. It was John whom i first saw and greeted. Then wearing again the id and later taking it back, as usual. Venturing the same old place, the 3 floors. And entering without hesitation coz its just 15 mins late. Seeing them again. Wala lang.

First Blood
Just saw her again. I saw a different gurl i know. But. I just didnt do anything but to make fun. Make fun of everythin, just for entertainment. It is needed for this kind of subject and professor. (xD)

Regeneration
Its now over. Yehey! Its lunch time? Though my breakfast was just half past my intestines. Its just 10? Wtf. But its needed. For the Physics next subject, 5 hours, imba.

Owning
Returning at the third floor, while were waiting for the next subject. An announcement came up that were gonna not have any class this day. Uwian na? Its kinda yehey but, i know were gonna pay for it though.

The Clash
So whats next? Of course what weve missed. DotA again and again. Heading to Tetons, everyones ready, and its "banatan na naman" .

GG
Everyones new years reso was to never dota again. But its br0ken already. Hahaha. Basta ako di ako nagbayad kay teton nun.xDD Kaya ok lang.

January 4, 2009

Bagumbong New Adventures (unfinished)

"maaari bang humiram, isang gabi sa iyong tagiliran...."

Starter
Malapit na mag 4pm yun. Tinext ako ni King gamit ang mjoy. Pumunta na daw ako. Eksakto namang paligo na ako at naghahanap na lang ng isusuot. Naihanda ko na ang lahat. Wala si papa at mama nun eh, umalis na ako, di nakapagpaalam (paktay ako nito), wala ding nahingi na pera.

First Encounter
Buti na lang at may pera talaga ako pag ganitong mga lakaran. Pagbaba ko ng jeep, nakita ko kaagad si Euvy, may naalala ako. "Euvy Happy birthday!" sigaw ko. "Tara sa amin." tugon nya. "ah eh.." pag iwas ko. Di naman sa ayaw ko. Di naman kasi yun talaga ang pakay ko. Muli ko nanamang nakita yung daan na yun papunta kina King. May nakalagay na ngayong, bawal dumaan. Dati naman ay wala nun. Napansin ko si Hannah na busyng busy sa pagsecellphone. "Hannah, padaan po." bati ko. Ngiti lamang ang naitugon nya. Hindi pa rin sya nagbabago, mahiyain pa rin, siguro ganun nga lang sya pagdating sa akin. Heheh.

Place Upheaval
Diretso na ako kina King, nagpupunas na ng sapatos sa pamahiran nila, maputik kasi. Mahina akong tumawag ng "King!??" nang biglang "Nakina Bicoy sila." tatay pala nya. "ah salamat po.". Tumungo na ako kina Oyo (Bicoy) at ayun nga sila. Nakita ko kaagad sa tapat ng bahay nina Oyo at Charlene (magkaharap bahay kasi sila) ang mga kaklase ko. Bihis na din silang lahat, at ready to go na. Maliban lang kay Oyo. Ganun naman sya lagi eh. Kada may usapan na lakad, lagi mong maaabutan na di pa paligo. "Oy tara muna kiNa Euvy." di ko alam kung sino ang nagyaya. Syempre bilang mga kaklase nya. Pumunta na nga kame at kumain na din, pero konti lang. May kainan pa kasing kasunod.

At The Airport
At ready na, napagpasyahan na namin na sumakay sa owner type jeep na kilala ni King ang driver. Nagpapatagal lamang sa pag alis namin ang di pagkakasundo sa kung magkano ang ibabayad. "Bente po kuya ano?". "Ay luge naman ako nyan. Trenta na.". "25 na lang." Wala ng salisalita, umandar na ang owner at tumungo muna sa Petron para magpagas. Abutan na syempre ng pamasahe. Buo pera ko kayat nagpabayad muna ako kay Jam ng bente. Heheh. Oo bente lang ang balak kong ibayad at keri lang. Patay malisya.

The Take Off
And so the owner took flight. Open yung owner (walang bubong.) nangangamba kami, pano na pag umulan. Pero naenjoy namin yun dahil para kaming nasa mOtorcade habang sinasagasa ng aming mga mukha ang malamig na pagtama ng hangin at ilang piraso ng malilit na bato sa pagtayo namin sa sasakyan. Masarap, masaya kahit na maginaw. Isinakay na din sina Clarissa at Glenn (pinick up sa Bayugo. Lumampas pa nga eh.). Medyo umambon. Napagod din sa pagtayo at sa sobrang ginaw umayos na kami ng upo. (kahit imposibleng matawag na maayos na upo. Siksikan gawa ni Glen ah) .

Arrivals
Eto na at Bagumbong na. Nasilayan ko na naman ang Bagumbong Elementary School na natatambayan ko nung elementary pa lang ako dahil minsan ay dito ginaganap ang mga district contest nun, panlaban eh. Heheh.

Swing Swing
Nag aya si Aron na bumaba na daw kami. Ok lang sa amin. Bumaba na kaming tatlo. (Aron, King at aKo) Sabi ni Aron kina LJ daw muna kami, dun na makapagbihis. Ok. Pumunta kami. Lakad ng onte at ayun na. "LJ!!..Ljayy!" walang tumutugon. Napagdesisyunan na lang na kina Lucky na lang daw. "Tao po.?". "Ano yun?". "si Lucky po?". "ay wala, nasa gala siguro". "di po ba sasama yun?". "hay nako, nahihiya daw, ayun nagpapapalit."

Camaraderie
Paktay. Napasama pa ata ang desisyon namin. Sinisisi na ni King si Aron. At si Aron naman todo tanggol din. Heheh. Pero bwenas. Ayun si papa LJ. Nakamotor. Diretso na kami sa kanila. Di pa sya paligo mga 6pm na yata yun. Konteng kwentuhan at jamingan. Konteng kaen. Nakiplantsa. Bihis. Pabango. Pawax. At yun ready na kami. Katuwa ang mga suot. Si Aron naka Amerikana, Wow! Si King, Ely Buendia daw ang porma, si LJ parang Saksi lang. Ako mukhang detective. Katuwa kami ni king. NakaCHUCK at nakaMaong. Malay ko ba na pormal pala. Kala ko semi lang. XL pa yung damit ko....

Moment of Truth
Konteng lakad. Pero malayu layu rin nakina Julie na kami. Medyo madaming tao. Nakakahiya ang mga itsura namin. Hahah. Pero wapakels. Nagsimula na ang mga seremonyas. Kutilyon. 18 roses. 18 gifts. 18 ballons. 18 candles. At 18 wines. O diba bongga andame. Heheh. Grabe. Napakaganda talaga ni Julie. Ganap na ganap na nga ang kanyang kadalagahan. Kitang kita naman sa hubog ng kanyang sexy na katawan sa kanyang pUting gown. Natapos na ang madamdaming mga seremonyas. Di mo mabibilang kung ilang "Julie Happy birthday" ang narinig ko. At yung "wag ka munang mag boboyfriend ha", "tapusin ang pag aaral.".HaAyy.

Hey now. Secret Song
Abutan ng give away, tapos kainan na. Edi Lamon ang mga shutay shutom. Sige buffet. Walang pigil pigil. Piktyur piktyur ng onte. Tapos yun. Nag paalam muna kame na magbibihis lang.

The Notion
Bumalik na kami. Sayawan. YooHoo! Party time! R0ck r0ckan. Heheh. Pero nagkakahiyaan. Buti nalang mer0ng hindi nahihiya at the same time di napapagod na tao dun. Katuwa lang. Di mo mapatayo sila, malamang di lang type ang mga pasounds. Hmmm.

The Show
Naisipan nila na gumawa naman ng kalokohan. Lumande na naman si Kenneth nun. Hahah. Reenactment daw nung mga seremonyas at sya ang debutante. 98 birthday daw. Ayun may mga wishes at r0ses din. Astig nga eh natutuwa din yung mga pinsan at kamag anak nina Julie sa palabas na yun.

The Game
Since hawak ni Kenneth ang mic nun, which is anggaling talaga nya mag entertain na para bang nasa tv show kami nun. Then nilapitan ko sya at binulungan ko ng "Kenneth laro tayo, Hephep HURAY katuwaan lang.". AyoN nagsimula na nga ang laro. Laru laru lang. At yung mga alpha kapal muks lang ang mga tumayo. Syempre nag try din ako. Heheh. Just for fun. At biglang nag abot ng P200 ang tito ata ni Julie o pinsan ewan. Hahah. Wow may pa prize. Lalong naging exciting. Ang kaninang k0nteng manlalaro ay biglang dumami.

Fortune
Masaya talaga. Madaya si Kenneth pag napagtripan ka nyang puruhin matatanggal ka talaga. Heheh. At ang nagwagi ay si Jessa! Yey may P200. Balik ulit sa sayawan. Nagulat ang lahat dahil naglabas pa ng P500 ung TFC natin kanina. Wow. Mayaman. So nasundan pa ng mga palaro. Trip to Jerusalem, boy-girl kandungan version. Partner ko si Jinelle. Nadale kame kay Glen, luge sa box out. At ang nanalo. Dante at Cathy. Wow P200 ulit. Next and last game. Paper dance. Mahirap dahil maputik dun. Pero for the sake of P200 go. Ayaw ni Jinelle, nag inartz maputek daw eh. Kaya si Charlene ang nakuha kong partner. Di ko nga kaya yung buhaten. Ako pa binubuhat nya. Pero talo ulet. Panalo, LJ at Cathy(ulet?). P150 each yata. Sayawan na ulit.

What Are You Waiting For
Sayawan. Ang iba nagvivideo oke. Ang iba nagbabalak nang matulog. Yung iba nagaaya ng uminom. Pinigil ang pagvivideoke namin. Tara daw. Inumang natuloy din. Parang ayaw kasi nila. Shot. Pangalawang shot. "excuse. Iihi lang ." sabay takbo. Hehehe. Yoko nga magpakalasing.

Tonight
Nakita ko sina Julie. May dalang cake. Matutulog na ata. Sumama ako. Pwede. Heheh. Ayun kaen ng onte ng cake. Tapos akyat na sa kwarto. "Ian dyan kayo sa kabilang kwarto." "ahh. Eh. Sige" sabay higa ko. Bale 3 pa lang kami nun. Ako, si Julie, at Clarissa. Kasama dapat namin si Kenneth eh tata3 daw muna sya. Ayaw nya naman dun na magbawas dahil takot daw sya pag maraming lumang salamin. "ay Ian, dito ka muna, nakakaawa ka eh." "talaga? May awa ka pala" "oo naman." at ayun na nga nag ayos ng higaan at humiga na kami. Inalok pa ako ni Julie sa loob ng kumot.

Struck With a Lightning
Bale gitna sya. Ako sa bandang kaliwa. Ang sexy ng suot ni julie nun. Pantulog talaga. Kahit malamig ay nagsuot pa din sya ng ganun. Ako nga eh nakapantalon na giniginaw pa samantalang sya naka mini pero gusto pang bukas ang bintana.

The Plan
Di ako makatulog. Di ako tumitingin. Pero nagtaklob na ako at nagpanggap na tulog. Naramdaman ko kasi na may parating. Sina Aron na yun. Pumasok sa kwarto. Tinanggal ang taklob ko na kumot pero umalis din sa pagaakalang tulog na ako. Ginawa ko yun dahil maaaring palipatin ako sa kabilang kwarto. Eh ayaw ko. Hehehe.

Temptation
Nung naramdaman ko ng tulog ang mga katabi ko at yun nasa kabila. Di ako mapakale. Dahil kung iisipin mo, lalaki ka tapos mabigyan ka ng chance tumabi pagtulog sa isang napakagandang dalaga. Heheh. Ayun pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Julie habang sya ay natutulog. Lumilikot na ang aking mga kamay....

(itutuloy...Heheh)

January 1, 2009

Changing Fonts Using TTF on your phone

Tried and Tested on my N70me

If you can change fonts by using *.gdr fonts, (using any 3rd party file explorer,creating a new folder named "fonts" without quotes at C:\system path, pasting the gdr font there ie; C:\system\bluehigh.gdr then reboot) and the font of your phone will change, this method will also work on you.

What is TTF?
TTF means true type fonts.

In this method we are going to use ttf font files. You can get them on your pc by opening search and typing "*.ttf" (without quotes), or going to c:\ drive and finding the fonts folder. Other way is by downloading on the net, google will help you by typing "free ttf fonts download" as search query.

In using ttf fonts we can get the most of our personal touch to our mobile. We can costumized the size, etc.(ill explain later). And use combination of 2 or more fonts depending on our preference.

What do we need?

Ok, now you have the TTF files you like, youll now need to have the fount router. And transfer these on your mobile phone.

What is Font Router

Acts as Router for the ttf font to run and work on your symbian device.

Download FontRouter.zip (61.12kb) and extract the three files on your phone's C:\system\fonts path folder, if the path doesnt exists, create it.xD
It is advisable that you have installed X-plore coz it can extract archives and serve as a text editor.
Also place the TTF file on the same directory. (C:\system\fonts\)
Open the file fontrouter.ini and edit it via X-plore by pressing keypad (8).
You can see something like this:

[Global]
Enable=1
NativeFont=0
LogLevel=4
ForceAntiAliased=4
FixFontMetrics=0
FixCharMetrics=0
[FontMap]
LatinBold12=Futurist@13:B
LatinBold13=Futurist@13
LatinBold17=Futurist@13
LatinBold19=Ninja Naruto@17:B
LatinPlain12=Futurist@13
font17=font17@16:Y:W1
Aco13=Aco13@13
Aco21=Aco21@21
Acalc21=Acalc21@21
Acb14=Acb14@14
Acb30=Acb30@30
Acp5=Acp5@5
Alp13=Alp13@11:Y:W1
Alp17=Alp17@15:Y:W1
Alb17b=Alp17b@15:Y:W:B
Alp12i=Alp12i@10:Y:W:I
Alp13i=Alp13i@11:Y:W:I
Alp17i=Alp17i@15:Y:W:I
Alb12i=Alb12i@10:Y:W:B:I
Alb13i=Alb13i@11:Y:W:B:I
Alb17bi=Alb17bi@15:Y:W:B:I

see the line [FontMAP]? From there, you can edit the font names wherein.

LatinBold12=*@13{SMS WRITING}
LatinBold13=*@14{POPUP OPTINS}
LatinBold17=*@14{SOFTKEYS AND DIALING NUMBERS}
LatinBold19=*@17{TITLE OF MENU AND OPERATOR LOGO}
LatinPlain12=*@12{MENU ICON NAME}
numbers after "@" are responsible for the size increase them.
LatinBold12= SMS WRITING
LatinBold13=MENU OPENS AFTER PRESSING OPTINS
LatinBold17=SOFTKEYS AND DIALING NUMBERS
LatinBold19=TITLE OF MENU AND OPERATOR LOGO
LatinPlain12=MENU


codes.
Y= for elevation. +1 = elevate higher. Example; Y1
B=bold
I=italicize
W=spacing. Example; W1
example.
latinbold12=(name of the font)@(fontsize)

note: the name of the font, does not necessarily the font file name.
After youve edited to your desired settings save and reboot. Thats all! Enjoy.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Web Host