February 9, 2009

Dear Klasmeyt : Lowie

lowie

Dear Klasmeyt Lowie,

Boy kamusta ka na? Sure ako na palage ka namang okey.
Naaalala mo pa ba yung una nating pagkakakilala? Walang pormal na introduksyon diba? Nagsimula ang lahat nung maganap ang unang pagdodota ng klase natin. Ako, si Jeymart, si Remar, laban sa inyo ni Lenard at Melvin. At nasundan pa ng maraming beses pa ng pagdodota.

Dahil nga dun nagkaroon na tayo ng koneksyon. Palage ka inaasar nila. Pero hanga ako sayo kase di ka tinatablan. Lumipas pa ang mga araw, lagi kang kasama sa mga lakaran at ang pagsilang ng A4V1.

Astig ang neym. Nag iisa lang sa mundo. LOWIE ALCOY.

Pero nagkaron ng biglang pagbabago. Di ka na sumasama sa paglalaro at pamamasyal. Nagbago ka. Nalungkot ako, pero naintindihan ko naman yun.

Pero minsan nayayamot din ako sayo. Parang nangtritrip ka kase. Lagi kitang pinapakinggan, samantalang ikaw,? Ganyan ba talaga? Dahil higher level ka? Its not worth to be heard na ang boses ko? Minsan nakakasakit ka boy. Pero wala na yun.

Salamat Lowie. Dahil sayo, lalo ko Siya nakilala. Dahil sayo madami akong nalaman, mga bagay na di ituturo ng mga prof natin. Dahil sa yo, nagbago ang takbo ng mentalidad ko. Dahil sayo, naglevelup ang pagiging si Ian Albert ko.

Salamat sa mga aral, paalala, pagcompliment, pagdamay, at madami pa, na hindi ko na kayang ienumerate.

Tayo ang A4V1 habambuhay, walang iwanan, kalimutan, at lokohan ha. Di ko makakalimutan na may isan Lowie na pumasok sa buhay kong magulo at unti unti itong binigyan ng konting ayos at direksyon. Masaya ako na nakilala kita.

<:)))))><

1 reactions:

Anonymous said...

haha ian,, nakakatouch namn yang ginawa u na yan,,, sa totoo lang naiiyak ako nung nabasa ko,, (pwera biro un),, kaso nga lang dahil sa dami ng katabi ko sa shop eh baka isipin nila baliw ako,, hehe,, uy,,, ian,, thank you po sa lahat,, naging masaya ako sa inyo,, at hindi mapapantayan un,, salamat po,, kaibigan...

Post a Comment

post your comment here! Thank you!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Web Host